Jake Vargas busiest young actor sa showbiz

    336
    0
    SHARE

    Isa sa mga busiest actors natin ngayon si Jake Vargas. Bagamat paborito silang intrigahin ng kanyang manager na si Kuya Germs, di na sila nagpapaekto tungkol dito.

    Sa ngayon kasi, mas mahalaga kay Kuya Germs na mabenta ang kanyang alaga kaysa dun sa kung anik anik na intrigang gawa gawa lang ng mga detractors nila.

    Paborito kasing intriga ngayon kina Kuya Germs at Jake ay yung laging pagbuntot ni manager saan man magpunta si Jake.

    Ano nga naman ang gagawin ni Kuya |Germs, basta pabayaan na lang on his own si Jake? Kargo niya ang bata, siya ang manager, kaya walang masama kung lagi man nitong samahan si Jake lalo na sa mga out-of-town shows nito.

    Last week nga, buong linggong halos hindi natulog si Jake Vargas sa paglalagare sa five shows niya sa GMA-7.

    Yes, siya ang may pinakamaraming shows sa tweens ng Kapuso Network at Monday to Sunday siya napapanood.

    May Alice Bungisngis siya Monday to Friday, may Walang Tulugan ng Saturday, may Party Pilipinas, Tweenhearts at Pepito Manaloto ’pag Sunday. Kaya nang humarap sa presscon/launching niya bilang bagong endorser ng BNY, halatang puyat ito at hinihintay pa sa taping ng Alice Bungisngis sa Tagaytay.

    One year ang pinirmahang kontrata ni Jake bilang BNY endorser, pero sabi ng owner ng clothing line, hindi pa nito pinapalitan sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio at every year, nagdadagdag sila ng endorser.

    Bukod sa five TV shows at endorsement, kasama rin si Jake sa My Kontrabida Girl na showing sa March 14, kapareha si Bea Binene. Hindi ito ang last movie niya sa GMA Films dahil maraming gagawing movies ang film company this year.

    And speaking of Bea Binene,  ayaw pa rin niyang pahalik sa lips on screen.

    At dahil may successful  loveteam sila ni Jake Vargas, kung saan nakapitong pagtatambal sila sa iba’t ibang soap, kampante na siya kay Jake kapag may maroromansa silang tagpo.

    Kaya hindi maiaalis na tanungin sina Bea at Jake, kung papayag na silang magkaroon ng kissing scene dahil magpartner sila lagi, na ang latest ay sa Alice Bungisngis na napapanood bago mag-24 Oras.

    Sa tanong ay magkaiba ang sagot nila.  Say ni Bea, super-bata pa siya para sa kissing scenes habang si Jake, positive agad ang sagot.

    Okay daw sa young actor ang kissing scene basta ang gusto niyang unang mahalikan sa lips ay si Bea, na ikinatawa nang malakas ni Bea.

    Mag-partner din ang dalawa sa Tween Hearts every Sunday, after ng Party Pilipinas sa GMA7.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here