Bakit nga ba di nagkatuluyan noon sina Kris Aquino at Robin Padilla?

    470
    0
    SHARE

    Iniiwasan sana ni Robin Padilla na sagutin ang mga tanong about Kris Aquino sa presscon ng second season ng Toda Max, hindi pa rin siya nakaiwas sa pang-uurirat ng press tungkol sa nakaraan nila ng Queen of All Media.

    Dating na-link sina Robin at Kris at dahil magkakasama sila sa isang teleserye ngayon sa ABS-CBN, muling nauungkat ang kanilang nakaraan.

    Ikinagulat ni Robin na marami palang alam ang entertainment press sa naging relasyon niya with Kris. Ang mga reporters pa ang nagsabi sa kanya na muntik na niyang itanan noon ang Queen of All Media.

    “Alam ba ng publiko ’yan?” gulat niyang tanong. “Nakakagulat kayo, flashback ba ito 20 years ago?” sey niyang natatawa.

    When asked kung bakit hindi natuloy ang pagtatanan, aniya, siguro raw ay hindi lang talaga nakasulat sa tadhana na magkatuluyan sila.

    “Ano ’yun, eh, nasa sarili kaming pag-iisip, kami’y nag-uusap. Ang naging relasyon namin kasi ni Kris, nag-uusap kami. Hindi naman ’yung desisyon lang ng lalaki. Saka hindi tipo ni Kris ’yung hindi nag-iisip.

    Ano siya, eh, leader talaga,” sey ni Binoe.

    Pero sinubukan naman daw nilang mag-work-out ang relasyon nila pero talaga raw hindi sila para sa isa’t isa.

    He remembers, buhay pa nga raw si Inday Badiday noon at ito raw talaga ang nagsilbing tulay sa kanila’t gumagawa lagi ng paraan para magkaayos sila.

    “Matagal na pakikibaka ni Ate Luds (tawag kay Inday), hindi siya talaga sumuko sa amin,” kuwento pa niya.

    May panghihinayang ba na hindi sila nagkatuluyan?

    “Siyempre, sa bawat relasyon may panghihinayang, kahit sa amin ni Liezl (Sicangco, his former wife), may panghihinayang.

    Kahit sa amin ni Ma’m Sharon (Cuneta), may panghihinayang. Pero ’yung panghihinayang na ’yun, hindi ibig sabihin, nagsisisi ka. Ano lang, talagang ’yun ang nakasulat, eh.”

    Sa ngayon ay masayang-masaya raw siya sa piling ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez at kahit nga magdadalawang taon na silang kasal, feeling daw niya ay bagong kasal pa rin sila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here