Maja Salvador forever starlet lang sa ABS-CBN?

    362
    0
    SHARE

    We personally think na walang pag-unlad ang career ni Maja Salvador. ‘Yung Thelma niya na puwedeng sabihing biggest break sana niya was one of the floppest last year.

    This must be the reason kung bakit hanggang ngayon, starlet status pa rin siya.

    Take note, kung minsan, may maganda namang project pero mukhang di siya pinapansin ng publiko at ‘di ina-alleluya ng publiko, gaya ng pag-accord sa mga sikat. Kumbaga, walang marka sa publiko si Maja na talagang hanggang ngayon ay starlet pa rin.

    Pero ngayong patong-patong ang mga projects niya, makahulagpos na kaya siya sa sumpang starlet lang siya habang panahon?

    Makawala pa ka siya sa sumpa  ni Chit Ramos na inargabyado niya noong araw?

    Karma ba sa pagkakaroon ng masamang ugaki kaya ‘di sumikat-sikat si Maja Salvador?

    Biglang naging visible si Maja Salvador these days. Nauna siyang humarap sa press sa  presscon ng Weddings & Debuts Bridal Fair where she’s the endorser.

    Nung Sabado naman, she was at the presscon of her romantic comedy with BF Matteo Guidicelli, “My Cactus Heart.” 

    At nung isang araw, she was seen again at the launch of her new TV show “PHR (Precious Heart Romances) Presents  Lumayo Ka Man sa Akin.” 

    Katambal niya s project na ito sina Jason Abalos at Patrick Garcia.

    “I feel so blessed!” sabi niya. “Ang ganda nga ng pasok ng 2012 for me. Kauumpisa pa lang, ang dami na agad projects.”

    Yung huli niya sa PHR na Impostor ay umani ng mga awards, ito kayang isang ito, magawaran din kaya?

    “I think so, kasi ang ganda rin ng story nito. It’s based on Martha Cecilia’s best selling novel, ‘Pangako’.

    I play Janine del Castillo, an interior designer who’s life is happy and contented. We’re rich and I have a handsome boyfriend, si Patrick. Just as I’m about to marry Patrick, my dad, Ariel Rivera, revealed to me na buhay pa ang mother ko, si Ina Raymundo.

    I’m the product of their illicit love affair and after giving birth to me, my mom went back to her family at iniwan ako sa dad ko who raised me by himself.

    This revelation would change my life drastically. Pupuntahan ko ang mom ko sa probinsiya nila and I will meet this handsome farmer, si Jason, at magkakaroon kami ng passionate love affair.

    Bale yung kasalanan ng mom ko noon, who fell in love with another man, mauulit sa akin ngayon.

    Kasama rin sa ‘Lumayo Ka Man’ sina Ina Feleo, Kathleen Hermosa, Toby Alejar, Mico Palanca, Bettina Carlos and John Arcilla.”

    She has love scenes with both Patrick and Jason. “Yung kay Patrick, smack-smack lang, tapos sa leeg. ‘Yung kay Jason, ‘yun ang torrid, bigay-todo talaga.”

    Di kaya muling magselos si Matteo gaya nung sa kanila noon ni Coco Martin?

    “Ay, hindi na siya seloso. Alam na niya ngayon ang mga pasikot-sikot sa industriya. Supportive na siya sa mga ginagawa ko.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here