Bago pa man mag-birthday si Willie Revillame sa Enero 27, isang magandang pangyayari ang naganap.
Kumbaga, kahit blessed na si Willie, ayan at marami pang blessings ang dumarating sa kanya.
Isa sa mga ito ay ang pagbabati nila ng radio host-columnist-writer na si Jobert Sucaldito.
Yes!!!
“All’s well that ends well” na kina Willie at Jobert na hindi naman sinadyang magbati kundi nagkataon lang.
Ang nasa likod ng pagbabati ng dalawa ay ang Nanay ng showbiz na si Cristy Fermin.
Masayang ikinuwento rin ito ni Jobert nu’ng magkita-kita kami sa Zirkoh-Morato last Saturday para manood ng show ni Allan K, na produced nina Lito Alejandria (Zirkoh’s part-owner), Roldan Castro, Rommel Placente at Boy Romero.
“Masarap makipagbati sa taong nakasamaan mo ng loob in God’s perfect time. Nangyari sa amin ni Willie Revillame ‘’yun last night sa Anabel’s Resto habang hinihintay namin ni ’Nay Cristy Fermin si Gov. ER Ejercito for her one-on-one interview with him (Gov. ER) na ipapalabas sa Paparazzi.
Sa phone lang kami nag-usap ni Willie who’s currently in Macau. Sa loob ng 2 years and 8 months, humilom na ang sugat sa amin ni Willie kaya masaya kaming naghalakhakan sa phone. And we’ll have lunch when he comes back next week. Hay buhay, parang life. Hahaha!”
Tanong ko tuloy, ‘di kaya magalit ang ABS-CBN sa kanya (Jobert) kapag nalaman ng network na wala nang problema sa kanilang dalawa ni Willie?
“Hindi naman siguro, noh! It’s personal. Ako ang involved at hindi sila,” sagot ni Jobert.
Ipinaalala rin ni Jobert at ng co-host niyang si Ahwel sa followers ng kanilang radio program na Mismo na inilipat na ang kanilang timeslot. Hindi na ito sa alas-3 ng hapon kundi sa alas-10 na ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.