ER Ejercito umaasa ng Best Actor Award sa maraming award giving bodies

    404
    0
    SHARE

    Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang Manila Kingpin:The Asiong Salonga Story, which stars no less than the Governor of Laguna, ER Ejercito

    Kaya naman sa thanksgiving press lunch niya the other day held at Club Filipino, inisa-isa niya ang mga karangalang tinanggap niya nitong nagdaang taon, siympre, kasali ang labing isang award na nakopo ng pelikula sa Gabi Ng Parangal, pati na yung mga leadership awards na ibinibigay sa kanya kabi-kabila.

    Foremost, ipinagmamalaki ni Gob ang highest award sa isang official na ipinagkaloob sa kanya ng Pangulong Pnoy at ng Malacañang.

    Maraming nilinaw ang entertainment press, unang-una na nga rito ang kanyang pagiging vocal sa disappointment na si Dingdong Dantes ang nanalong best actor at hindi siya.

    Inamin ni ER na nabitin talaga siya nang hindi siya ang tanghaling winner.

    “Eh, bitin, bitin lang. I was hoping that I would bag the best actor award. Pero nirerespeto ko naman ang distinguished board of jurors for their decision na nanalo si Dingdong Dantes.

    “I think Dingdong Dantes needs the award more than I do. And he’s an outstanding leader of the youth, tumutulong kay Pangulong P-Noy.

    “At hindi naman ako nawawalan ng pag-asa because I think we have seven more award-giving bodies this year and sana, ma-recognize ang aming mga effort na maitaas ang quality ng mainstream Philippine cinema,” pahayag ni ER.

    Hindi kaya masamain ni Dingdong ang sinabi niyang mas kailangan nito ang award kesa sa kanya?

    “Hindi, eh, ako naman matagal na akong artista. I’ve been in the movies for 28 years. I’ve done more than 150 films. Si Dingdong, bagong artista lang, mas kailangan niya ang award.

    “Ako, may pitong award-giving bodies pa, eh, mayroon pang international release kaya may mga pagkakataon pa at oportunidad para sa akin para manalo bilang best actor.”

    Nadako naman ang usapan sa gross ng pelikula na bagama’t humakot ng awards, pagdating sa kita, hindi pa ito nakakabawi sa malaking ginastos sa movie na umabot sa P75M.

    “Ay, hindi na mababawi ang P75M, baka hanggang mga P50-P60M lang siguro. But I hope na mabawi pa (hanggang sa last day on Saturday). After two weeks dito sa Metro Manila, iikot pa ’yan ng two months sa probinsiya.

    “Hopefully, baka maka-P60M kami. Hindi na mababawi (ang P75M), pero nabenta na namin ang video rights sa ABS-CBN, P10M. Ah, hindi, bawi rin. Break even. Happy na ako ru’n, balik-puhunan.”

    Malaking bagay nga raw sa kanila ang pagkakapanalo ng awards dahil tumaas ang sales nila after that.

    Sinagot din ni ER ang tungkol sa hinalang may away sila ni Kris Aquino since may mga sinabi siyang against sa aktres-TV host.

    “Ah wala, kumare ko si Kris, eh. ’Yung ano lang, ’yung statement niya, hindi nakakabuti kay Dingdong. Kasi, nababasa namin sa Twitter, eh, ang daming negative feedback.

    “Naaawa ako kay Dingdong kasi Dingdong is a very good person, fine actor, good leader of the youth.

    Nakakaapekto sa kanya ’yung mga statement ni Kris na ‘magwala ka kapag natalo kang best actor.’ Dapat hindi na nagbibigay ng ganu’ng statement,” pahayag ni ER.

    Pero wala naman daw siyang personal na sama ng loob kay Kris at dahil lang sa statement nito kaya siya nagre-react ngayon.

    Nilinaw din ng press kay ER ang tungkol sa speculations na ikinalat diumano ni Kris na na-pull-out sa theaters ang Asiong Salonga.

    “Oo, sinabi na-pull-out nga kami, eh, nasabotahe nga kami ng SQ Laboratories, ’di ba? Hindi natapos ang prints on time. And ang sabi sa news, si Kris nga raw nagsabi and ’yung mga resulta kasi ng first day, siya rin ang naglabas.

    “’Yun ang sabi sa news, hindi ko alam kung sinabi niya talaga, I’m not sure, I have to talk to her. Hindi pa kami nagkakausap, nasa abroad pa yata.”

    Napag-usapan din ang sigalot nila ni Mother Lily Monteverde over Carla Abellana at ang nasambit ng gobernador-action star, “Ah, nagpapasalamat ako kay Mother Lily dahil last minute, pinayagan niya si Carla na um-attend ng victory party sa Shakey’s. Salamat.”

    Lastly, sinagot din ni ER ang tungkol sa tsismis na nagpa-botox siya kaya bumatang tingnan at kaya nanalong male celebrity sexiest appeal of the night sa MMFF awards night.

    “Ay, wala ha, wala. Hindi ako nagpa-botox. Natural ’yan, natural. Inborn sa pamilya namin ’yan,” natatawa niyang sabi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here