Kung si Kris Aquino ang tatanungin, tahasan niyang sinabi na sobrang husay ng leading man niya na si Dingdong Dantes sa Segunda Mano, filmfest movie nila ng aktor.
Actually, ayon sa TV host-actress, moment ito ni Dong.
“Sabi ko nga sa kanya, ‘no offense to any other actor, but this is your moment at hindi ako nanghihinayang na moment mo ’to.’ At hindi naman ako naiinggit na moment niya ito, kasi moment niya talaga.
“Movie niya ito. Tour de force niya. Honestly, ito ’yung movie that will define him as an actor. ’Yung parang… ’di ba… Aga (Muhlach) maintained his leading man status pero si Richard Gomez ’yung nag-experiment.
“So, this is his Richard Gomez moment, this is his Cesar Montano moment. Eto ’yun. Sabi ko nga sa kanya, ‘happy ka sa kinalabasan?’ Sabi niya, ‘hindi ko nga alam na mahuhugot ko ’yun, eh.’
Hindi lang ang co-stars at direktor niya ang pinuri ni Kris sa Segunda Mano kundi maging ang sarli niya. Aniya, modesty aside, magaling din siya sa pelikulang ito.
“’Yung acting masterpiece ko rito, ’yung last 20 minutes, umarte ako na wala akong kaeksenang iba kundi ang sasakyan. Nu’ng pinanood ko ang sarili ko, ang nasabi ko talaga, ‘Kris Aquino, ang galing mo!’ Nasabi ko talaga ’yon,” natatawa niyang kuwento.
Pero sa kabila nito, ani Kris, hindi siya umaasang manalong best actress sa MMFF awards night at ibinibigay niya ito sa iba pang aktres na mano-nominate.
“I won’t win, hindi naman ako nananalo ever. Pero magaling ako rito. Pero ibigay na natin, Diyos ko, nandiyan si Ate Mary (Maricel Soriano), nandiyan si Juday (Judy Ann Santos).”
Idinagdag din ni Kris na hindi siya gusto ng mga judge kaya hindi talaga siya nag-e-expect na manalo. Besides, honest naman daw siya ever since na gusto niyang kumita more than win awards.
Ang dream daw niya ay makatrabaho ulit si Direk Joyce at gusto niyang maging leading man si Piolo Pascual.
“Gusto kong gumawa ng version namin ng Relasyon,” sabi ni Kris.
Ang Relasyon ay highly-acclaimed movie noong dekada ’80 nina Vilma Santos at Christopher de Leon na idinirehe ng yumaong Ishmael Bernal.
“Sinabi ko ’to kay Direk Joyce, ang sinabi ko kay direk, ‘we’re (Kris and Piolo) both coming from different break-ups, from different point of views.’
“And Direk Joyce said it best. Sabi niya, ‘in any relationship, there’s a girl’s point of view, there’s a man’s point of view. Kasi kung God’s point of view, ’di walang naghiwalay.’
Sana nga raw, matuloy next year at aniya, something in her soul tells her that this is the next step.
Natanong din kay Kris kung ang Christmas wish ba niya ay ang annulment nila ni James Yap.
“My Christmas wish is sana, would have been a solid family. Who would not want that? But since it did not work out, I want freedom for him and freedom for me.
“And I want finality. Kasi sinabi ko nga, ’di ba? Hindi ko naman inaasahan na may lalaki pang darating sa buhay ko but I want that option.
“Malay natin, ’di ba? Baka sa eroplano, may makatabi ako, hindi ba, hindi mo alam ’yung mga ganu’ng sitwasyon. Baka madapa ako sa mall, may pumulot sa akin.
“You know, you’ll never know. And I what that freedom to be able to love again and right now, I don’t have that freedom because we’re not yet legally free to do so.
“Iba kasi ang sitwasyon sa lalaki. Lalaki si James, sa kanya walang mawawala. Ako, Aquino ako, may mawawala sa akin.”
She also added, “Who doesn’t want naman to have a partner? Pero kasi, when your children love you so much, it doesn’t feel so sad.”