Maricel Soriano gusto nang itama ang maling nagawa sa buhay

    365
    0
    SHARE

    Bawal tanungin ng nega si Maricel Soriano. Sa kanyang pagharap sa press, inisa-isa ni Mother Lily ang press na huwag nang tatanungin si Maricel ng mga personal niyang problema. Kay naman puro positibo ang nagging tabko ng interview session kay Marya.

    Sa mga kuwento ni Maricel Soriano na dumaan ang mga unos sa buhay niya nitong nakaraang mga buwan kaya naman hinarap muna niyang lahat ito bago sumabak sa trabaho.

    Hindi niya natanggihan ang alok ni Mother Lily na magbida sa filmfest entry ng Regal na Yesterday, Today, Tomorrow kaya nu’ng pictorial ng movie, hinarap naman niya ang entertainment press at TV shows na pumasyal sa Valencia studios.

    Sa YTT, mga bagong artista naman ang kasama niya.

    "Ako, lagi kong sinasabi kay Direk Jun Lana na I feel blessed dahil sa mga baguhang nakakasama ko. Sa dami, sa tagal ko na sa industriya… By the way, this is my 40th year in the industry.

    “Sabi ko kay Direk Jun, masyado akong sinusuwerte talaga. Blessed na blessed kaming dalawa sa lahat ng nakatrabaho at itong katrabaho ko ngayon, ‘yung mga baguhan na ngayon ko lang ulit makakatrabaho. Silang lahat dedicated sa trabaho nila.

    “Kaya ako, I feel blessed kasi kagaya ng anak kong si Eula (Caballero), alam mo, ang husay-husay nu’ng bata. I feel blessed na talagang… ang galing!" pagmamalaki ni Maricel sa baguhang TV5 talent.

    Hindi ba niya napansing nailang sa kanya ang mga baguhan?

    "Hindi! Wala! Ang galing nilang lahat actually na kaeksena," tugon ng aktres.

    Eh, si Gabby Concepcion na nakapareha niyang muli at best remembered sa movie nilang Pepe En Pilar?

    "Naku, ang nasabi ko na lang, ‘Pepe… Ako si Pilar. Naalala mo pa ba ako?’ Ha! Ha! Ha!" sambit ni Maria.

    "Masaya ‘yung paggawa namin. Heto ‘yung gumagawa kami ng drama pero masaya kami sa set!" sey ng Diamond Star.

    Masaya ba siya ngayon?

    "Hindi ba halata? Ha! Ha! Ha!" sagot ni Maria.

    Hindi man nagbigay ng detalye si Maricel sa mga unos na pinagdaanan niya, pangkabuuan na lang ang binanggit niya.

    "Kasi marami, mahaba. ’Yun na ‘yon. Sa buhay natin kumbaga marami talaga tayong dadaanang pagsubok!" rason niya.

    Alam niyang may mga mali ring dadaanan sa buhay ang bawat tao.

    "Hindi natin masasabing mali dahil napagdaanan na natin, ’di ba? Kaya marami naman tayong maituturo sa kaibigan natin. Sa mga anak natin, kapatid, para maitama ang mga mali!" dahilan ni Maria.

    Sa problemang pinagdaanan, ang Diyos ang kinakapitan ni Maricel.

    "Wala namang ibang kakapitan kungdi si Papa God, ’di ba?" deklara ni Maria.

    Bukod kina Maricel at Gabby, nasa cast din ng YTT sina Dennis Trillo, Agot Isidro, Lovi Poe, Carla Abellana, Paulo Avelino, Eula Caballero, Ronaldo Valdez at Jericho Rosales na absent sa pictorial.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here