Bakit laging aburido??? Robin Padilla bad boy na naman?

    420
    0
    SHARE

    Nakapaninibago si Robin Padilla. Kung bakit dami na naman nitong bitterness sa buhay, konting-kibot, nagagalit na naman, konting-kibot, nagbabanta.

    Aba, kung ilang kolum items na yung nabasa naming nanggigigil siyang meron daw yatang gustong bugbugin. ‘Wag naman, di ba, sabi ni Robin Padilla nagbago na siya?

    O baka naman this is the case na hindi talaga nagbago si Robin na kumbaga, image lang yung binago, pero sa true lang, siya pa rin yung dating bad boy na maraming angas sa buhay.

    Sa true lang, kapansin-pansin yung konting-kibot, galit, konting may mabasa nagbabanta. Aba di yata maganda yan.

    Sa edad niyag nirerrespeto na siya sa showbiz, dapat mapanatili na niya yung magandang image Kumbaga, magpasensya na siya, kung minsan natutuligsa siya, pagbigyan na niya ang mga tao, di pa naman siya inaapi.

    O baka naman nga may katotohanan yung lagging pinagkukuwentuhang di magandang dating ng buhay ngayon ni Robin Padilla. Una na nga yung tsismis na hirap daw siya sa pera. Na pati raw si Mariel ay nagrereklamo dahil sa rami ng mga pakainin niya. Na true yung isang nasabi ni Mariel na sa sbrang bait ni Robin, di na niya solo ang buhay niya.

    “Alam ninyo, nabubuhay si Robin para sa ibang tao, lahat ng tungkol sa kanya ay para sa ibang tao,” minsang nasabi ni Mariel sa isang interview.

    Nabuksan ang topic tungkol ditto, dahil nga si Mariel na raw ang nagrereklamo dahil pera na nito ang ginagastos sa mga sinusuportahan ni Robin. <ay tsika pa ngang di na raw makabili ng mga bagong damit si Mariel dahil nga ubos ang pera niya kay Robin.

    How true?

    Na puwedeng hindi nga totoo dahil alam naman nating malaki rin ang kinikita ngayon ni Robin dahil sa maraming projects niya. At pangalawa yung sinasabing gipit nga raw si Robin at ito ang dahilan kung bakit hindi napinansiyahan ang pag-produce sana ng Mr. Wong para sa film festival.

    At pangatlo yungd i umano’y di niya gustong parang siya na nga nagbigay para makapasok ang pelikula ng isang kaibigan niya, e minasama pa siya.

    Yun kaya ang dahilan kung bakit nag-aalburoto at yung dati niyang pagiging bad boy ay sumisibol na naman?
    Just asking!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here