Second class citizen lang sa ABS-CBN??? Kiray itsa-puwera sa Star Magic Ball

    586
    0
    SHARE

    Kahit na sinasabi ni Kiray na hindi naman siya bitter dahil di siya na-invite sa Star Magic Ball, na isang tradisyon na among the stars of Star Magic, feel ng press na nagsisintir silently ang isa sa mga bida ng Growing Up.

    Hindi nga ma-imagine ng ilang press people kung bakit na-ignore si Kiray na hindi nga invited gayung may mga projects naman nga siya.

    O baka naman, talagang second class citizen lang si Kiray sa Star Magic stable kaya nga di na lang binigyan ng special accord to be in the ball.

    “Nakakataka lang pero nakaka-sad din, kasi never akong nag-JS (junior-senior prom), eh, kaya hindi ko alam ang feeling ng mga ball-ball na ’yan,” sabi pa ni Kiray.

    May nagtanong kung feeling ba niya ay may discrimination at say niya, “Ay, hindi ko po alam. Mabait naman sa akin si Mr. M (Johnny Manahan, Star Magic head), love din naman ako ni Tita Mariolle (Alberto), pero hindi ko po talaga alam, kaya nagtataka nga po ako.”

    Biro na lang ni Kiray, “Ayaw nila ng maganda sa ball, baka kasi taubin ko lahat sila.”

    Kung sakaling naimbitahan siya, pupunta raw siya talaga dahil gusto rin daw niyang maka-bond ang co-artists niyang hindi pa nakakasama at hindi pa nakakatrabaho.

    Para naman maibsan ang feeling niya, may nagsabing isipin na lang niya na hindi lahat ng invited sa Star Magic Ball, may career. At least, siya, meron.

    “Tama! Hindi lahat ng kasali sa ball, may show. Ako, may dalawang shows at may movie. Mas gusto ko ang work kesa sa ball,” pabiro niyang pagtataray.

    Nagtatampo ba siya sa Star Magic dahil dito?

    “Hindi ako nagtatampo, pero nagtataka ako, kasi Star Magic ako, ’di ba? Star Magic Ball nga, eh. Eh, ’di sana, ginawa na lang nilang parang ball lang, walang Star Magic, kasi hindi ako kasali, Star Magic artist din ako.
    Once again, tinanong siya kung masama nga ang loob niya.

    “Hindi naman po masama (ang loob), hindi naman po ako ganu’n kababaw na hindi lang ma-invite, eh, iiyak-iyak na sa gilid, ’no! Hindi ’yun katapusan ng buhay ko at hindi ko po ’yun kawalan,” ani Kiray.

    On a lighter note, happy siya na may bago siyang show, ang Growing Up, kasama sina Kathryn, Julia, Diego Loyzaga, Daniel Padilla, Neil Coleta, Yen Santos at EJ Fallurin.

    Magsisimula sa Sept. 4 ang once-a-week teen series mula sa direksyon ni Lino Cayetano.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here