Carlo Caparas, Donna Villa mga patron ng local showbiz

    484
    0
    SHARE

    Kung magluluklok ng Patron Saint ang local showbiz, puwedeng sabihing nominado ang mag-asawang Carlo J at Donna Villa. Aba, yung kanilang concern sa industrya ay gayun na lamang. Imagine, the couple, together with boss Vic Del Rosario are up on a campaign to revivethe local film making.

    Kumbaga, parang ilan na lang talaga silang natira na may malasakit sa film industry. Along with the viva big boss, and Mother Lily Monteverde of Regal Films, the husband and wife team are trailblazing the campaign for a revved up local movie industry.

    As of now, there’s a move for the new merger, Viva and Carlo J’s group’s to grind all fifty novels of Carlo, at casting ang halos lahat na malaking artista sa buong showbiz. Ayon kay Donna, siya lamang ay parang tumatayong spokesperson ng dalawa, pero aniya, wala talaga siyang kinalaman sa pagsasanib-puwersa ng kanyang asawa at ni Boss Vic. “Pero kung pakikinggan nila ako, gusto ko talagang pelukula’ng gagawin namin, sigurado ang kita rito at yan na ang nakasanayan ko. Sa rami ng mga pelikulang nagawa ko, hindi naman nalugi dahil lah naman ng movie na ginawa namin, if not blockbusters, kumita naman sa takilya.”

    Kahit si Carlo J ay sumisegunada na talagang marami silang blockbusters. “Mahusay kasing humawak si Donna at ako naman, puwede kong ipagmalaki na lahat ng blockbusters niya ay ako ang nag-direk, “ pagmamalaki pa nito.

    By the way, papasukin din ng kanilang mga anak na sina CJ at Peachy ang pelikulang lokal.
    Abangan naman natin ang pagsulong ng mga pangalan ng mga anak nina Carlo J at Donna Villa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here