Vice Ganda di raw nanloko sa press

    302
    0
    SHARE

    Nagpaliwanag si Vice Ganda tungkol sa isyung di niya pagsipot sa solo presscon niya para sa Globe. Nainis kasi ang maraming showbiz writers sa panlolokong natikman nila sa ipinatawag na presscon ng ABS-CBN para kay Vice Ganda.

    Una, sa halip na dumalo sa sariling presscon, sa VTR lang nagpakita at bumati sa mga dumalong press si Vice.

    Sinakya pa nina Sarah Geronimo at Gerald yung pangalawang biro ng mga organizers ng presscon nang tinawag pa mismo ni Sarah si Gerald at nagpakita naman ang aktor sa mga press people.

    Sabi kasi si Sarah, ipakikilala niya yung bago niyang suitor.

    Buong  akala ng press ay totoo ang ‘rebelasyon’ na nanliligaw o gustong manligaw ni Gerald kay Sarah at personal nang aamin ang aktor.

    It turned out na gusto lang palang ipakilala si Gerald ni Sarah bilang bagong endorser ng isang  communication provider at makakasama nila ni Vice Ganda.

    Sa pagkulit ng press kina Sarah at Gerald kung totoong  may ligawang nagaganap kahit papaano sa pagitan nila, walang napiga ang mga ito dahil  ayon sa dalawa ay friends lang daw sila talaga.

    Pinagmukhang tanga raw ang media!

    Nagpaliwang naman si Vice sa mga nangyari kung bakit hindi siya nakasipot sa presscon niya ng Globe with Gerald Anderson and Sarah Geronimo.

    Aniya ay may interview nga siya sa US Embassy at hindi nga rin daw siya nakapag-report sa Showtime nang araw na iyon.

    Naging issue ang nasabing presscon dahil ang imbitasyon ay solo presscon niya at hindi alam ng press na kasama rin sina Gerald at Sarah.

    Ayon kay Vice, presscon daw talaga nilang tatlo ’yun, actually for Gerald talaga dahil ito nga ang bagong endorser.

    “Ako lang dapat ’yung magi-introduce kay Gerald,” sey pa ni Vice.

    Tinanong nga rin daw niya ang manager niyang si Ogie Diaz kung bakit ganu’n ang nangyari dahil hindi naman daw niya alam na may gimik na ganu’n.

    Yun na.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here