Lovi Poe pinaghalinhinang niromansa nina Dennis Trillo at Jake Cuenca

    450
    0
    SHARE

    Tawa nang tawa si Lovi Poe na parang kiliting-kiliti kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga nakakakiliting eksena nila nina Dennis Trillo at Jake Cuenca sa My Neighbor’s Wife sa Regal Films.

     Pinagpasahan kasi nina Dennis Trillo at Jake Cuenca ang alindog ni Lovi Poe sa pelikulang ito. Kapwa nila pinupog ng halik at niromansa ang award-winning young actress sa maiinit na tagpo ng Direk Jun Lana movie.

    “Nakakaloka nga! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Lovi nang kinausap ng mga reporter tungkol dito..

    Pero ayon pa kay Lovi, kapwa respectful ang dalawang aktor at hindi nag-take advantage sa maseselang eksenang ginawa nila sa movie.

    Preparado ba siya bago gawin ang daring scenes niya?

    “Alam mo lagi mong sasabihin na bago gawin ‘yon, prepared ka. Pero pag nandoon ka na, lagi kang kinakabahan! Intimate scenes ’yon. Kumbaga, in front a lot of people ‘yon, cameras. It’s gonna be awkward pero you’ll go through it naman,” sagot niya.

    Stand out daw ang byuti niya sa pictorials na kahit hindi siya nakahubad, lutang na lutang pa rin ang sex appeal niya. Paano niya ginagawa ‘yon?

    “Ha! Ha! Ha! I don’t know. Emotera kasi ako. Tawag nga nila sa akin, emoterang frog! Ha! Ha! Ha! Ganoon-ganoon lang. Tina-try ko lang ang best ko sa mga photos! Kumbaga, mahilig talaga ako sa mga pictures.

    Kumbaga one of the things I love with my job is photo shoot talaga!” rason niya.

    Sa mga love scenes ni Lovi, matindi sa kanya ‘yung shower scene nila ni Dennis at kay Jake, sa kuwarto naman sila nagparaos ng init, huh!

    Ganoon kainit ang MNW?

    “It is very hot! Hot in a lot of aspects not because of the love scenes only but because of the intensity of story!” sey niya.

    Ano pa ang aabangan sa kanya sa MNW?

    “I’ve done daring roles but this one is different! Kumbaga, there are scenes, kumbaga, intimate scenes na may love akong pinapakita. Dito, may intimate scenes na walang love na pinapakita!

    So you’ll see scenes that are done without love! It’s hard because my name is Lovi! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Lovi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here