Maja Salvador araw araw na pinaliligaya ni Matteo Guidecelli

    393
    0
    SHARE

    Biglang nagmukhang gimik lang talaga yung pagli-link kina Maja Salvador at Coco Martin. Sila kasi ang magkatambal sa isang serye kaya panay ang dakdak ng mga bayaran na silang dalawa na nga.

    Pero heto na nagsalita na ng totoo si Maja tungkol sa kanila ni Matteo Guidecelli. Aminado daw si Maja Salvador na happy siya sa ipinakikitang pagmamahal at pagki-care ni Matteo Guidicelli sa kanya.

    Sobra-sobra nga raw, as in hindi birong effort talaga. Tulad na nga lang daw nitong huling ginawa ni Matteo, pinuno raw nito ng post-it notes ang isang part ng kuwarto niya.

    “Kinutsaba niya ang mom ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Nasa ASAP ako nu’n, eh. Tapos, ’yun, pinuno niya ng notes na nakalagay kung ano ’yung nagustuhan niya sa akin,” kuwento ni Maja nang makausap namin sa packet presscon ng Thelma, ang indie film niya na ire-release ng Star Cinema.

    Ilang months na ba sila? “Basta masaya kami,” ang sagot ni Maja.

    Ano ba talaga ang mga ginagawang effort sa kanya ni Matteo na ikinagusto niya?

    “Eh, siyempre, marami na rin namang nagdaan na ’yung mga ibang manliligaw mo at nakita mo na rin naman kung paano ka tratuhin, ’eto (Matteo), wala kang masasabi, sobrang mabait talaga. Iba ’yung pag-aasikaso niya sa ’yo.

    “Parang everyday, hangga’t maaari, kung puwede lang, parang everyday niya akong gawing happy, ganu’n, kahit pagod siya, gumagawa siya ng paraan para makadaaan lang sa taping, magdadala ng pagkain, ganu’n.”

    Pero hindi pa masabi ni Maja kung sila na ba o hindi na, basta’t ang importante raw, masaya sila at nag-e-enjoy kung anumang meron sila ngayon.

    Samantala, happy si Maja na nagustuhan ng Star Cinema ang Thelma na produced ng Time Horizons Pictures in cooperation with Abracadabra Productions kaya ang nasabing film arm ng ABS-CBN ang magre-release nito at ipalalabas sa Sept 7.

    Ginagampanan ni Maja ang papel ng isang runner named Thelma mula sa direksyon ni Paul Soriano.

    Did you know, may gagawin pala sila ni Matteo sa Star Cinema?

    Yun naman pala!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here