Ara Mina ibinenta na ni Cristine Reyes

    377
    0
    SHARE

    Matagal pa siguro or baka di na dumating pa yung magiging magkaibigan  at magkabati sina Ara Mina at Aiko Melendez. Both these women are loquacious na talagang madaldal na hindi mapigilan ang bunganga na magsalita laban sa isa’t isa.

     Kumbaga, walang mabubusalan sa mga opinion nila. In the past, nakita natin kung gaano ang pagkamuhi nila sa bawat isa.

    Malalim din ang dahilan ng kanilang hidwaan. Si  Jomari ang nasa pagitan nila noon na kapuwa nila mahal kung kaya umabot sa sukdulan ang galit nila.

    Pinagtaksilan ni Jomari si Aiko, pumatol kay Ara Mina na siyang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sila. Aba, kahit sino namang babae, kung kami si Aiko, lalamunin namin nang buo si Ara Mina.

    Perod i niya kinaya ang anak ni Mr. Mathay, palaban itong babae at kung titi at ttii ang pinag-uusapan, di niya ito kayang ipamigay, si Jomari nga.

    Pero yan ay sa mababaw na pagtingin lang. Hindi po totoong yung notes lang ni Jomari ang pinag-awayan nila, prinsipyo na ito na sinalihan pa ng pulitika.

    Yes, insecure si Aiko noon dahil sa pagpasok din sa pulitika ni Ara who comes from a very potent political family. But after a while, nakita naman ni Aiko na walang binesa si Ara na nagging talunan lang. But Aiko also lost at ngayon pareho na sila nang kinasadlakan ni Ara.

    But look, wala ni isang nagtagumpaysa kanila sa kapirasong karne ni Jomari. Instead it went to Pops Fernandez na in the long run, naagaw rin sa kanya.

    By now, bilasa na ang hotdog ni Jomari at wala nang naghahabol pa sa kung sino mang mga babaing nagdaan sa buhay niya.

    And Aiko and Ara become silent enemies na ewan kung puwede pang maging magkaibigan sa bandang huli.

    Pero nagbukas na nga’ng pinto. Cristine Reyes, who is Ara’s sister is now being close to Aiko na aniya ay mabait naman sweet at okey naman.

     Magkasama sila sa Reputasyon ng ABS-CBN at posibleng siya ang magtutulay upang sa bandang huli nga, madiskubre din ng isa’t isa na mabubuting tao pala sila kapuwa.

    O baka naman, nang dahil kay Cristine magkaroong muli ng matinding hidwaan ang dalawa. Remember, sanay na silang magmurahan and this is not a remote possibililty ngayong bentang-benta ni Cristine ang prinsipyo niya dahil kay Aiko.

    “Noong una, medyo awkward,” sabi ni Cristine. “Kinabahan ako but after a while, okay na kami. She’s really sweet at binigyan pa ako ng cinnamon cakes. Masarap siyang katrabaho, magaling umarte. Most of her scenes are with Rayver Cruz kasi magkapatid sila sa story.”

    “Whatever happened then, tapos na yun,” si Aiko naman ang nagsalita. “Di na namin pinag-usapan yun ni Cristine. Pangit naman if we’d get stuck on that issue, eh noon pa yun.”

    Ano naman kaya ang final say ni Ara?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here