May deliberate effort talagang pagsabungin ang mga kampo nina Aljur Abrenica at Ryan Agoncillo. Kitang-kita sa mga write ups na binebengga ng kampo ni Ryan si Aljur.
Ngayon kasi, lumabas yung bagong hotdog endorsement ni Ryan a na talaga namang trying hard sa pag-emphazise na mas juicy ito kumpar asa Aljur’s endorsement na tuna hot dog. Kesyo malansa raw ang hotdog ni Aljur and more.
Minsan naman, may narinig kaming komento mula sa manager ni Ryan na si Noel Ferrer na kesyo ganyan at ganito si Aljur. Simpleng kuwento yun ng di umano’y, very sweet sina Eric Vijandre at Rich Asuncion, who we all know na dating karelasyon ni Aljur.
Kumbaga, lantaran na raw si Eric at di ikinahihiya si Rich compared to Aljur na ganyan at ganito. Yung ganoon simpleng komento could lead to something else, you see siraan si Aljur sa mata ng publiko despues, pati endorsement niyang hotdog ay masisira rin.
See the connection?
O well, kung tutuusin, higit ngang may kredibilidad ang hot dog brand ni Ryan dahil matagal na ito sa market kumpara sa bagong produkto lang ni Aljur which is just gaining momentum to be as popular. Pero sana naman iwasan na yugn pamemersonal ng ilan, especially ng kampo ni Ryan, kasi very unethical yun. Siraan ang produkto, pero ‘wag na si Aljur, personal na kasi pag ganoon.
Ano kaya, siraan nang siraan ng kampo ni Aljur si Ryan, baka siguro giyera mundial ang kasunod.
Hindi kaya?