Aiko Melendez di na uurungan ni Bulacan mayor Patrick Meneses

    373
    0
    SHARE

    June 8, araw ng Miyerkules ang unang hearing sa kasong isinampa ni Mayor Patrick Meneses sa kanyang dating GF na si Aiko Melendez.

    Bow, natapos na yung nerbiyos ni mayor na aniya, nang makausap namin, nakararamdam siya ng nerbiyos sa muli nilang pagtatagpo ni Aiko. Hindi raw niya alam kung ano ang ibig sabihin ng naramdaman niya, basta ang malinaw lang, talaga, wala pang pagpapatawad na magaganap.

    In the first place, mahirap ispin ang tungkol dito, dahil paano mong patatawarin ang isang taong di naman humihingi ng patawad?” sabi pa nito.

    Hangga’t maaari, ayaw na sanang magsalita ni mayor tungko sa detalye ng mga kasong isinampa niya dahil sa may gag order nga raw siya. Pero dahil nga hindi makaiwas sa mga reporter, sumasagot siya sa mga detayleng wala namang legal na implikasyon.

    Napag-usapan yung tungkol sa hinihinging pag-lift sa persona non grata ng buong Bulacan kay dating konsehala Aiko.  “Hindi niya naiintindihan yun, hindi naman ganun yun, it’s not judiciary in nature, yung mga kasamahan kong mayor sa Bulacan, they are just sharing my sentimnents. Nakiki-simpatya sila sa ginawa sa akin ni Aiko,”sabi niya. “So paano ili-lift ang isang bagay na hindi naman judiciary?”

    Nagpa-interview si Aiko sa The Buzz at marami siyang rebelasyon tungkol sa kanila,as far as the mayor can think off, ano ang totoo sa mga sinabi ni Aiko sa mga interview? Nagtawanan ang ibang reporters, kasi nga para naman daw naming pinalabas na wala ni isang totoo sa mga sinabi ni Aiko, anyway, the good mayor answered the query and said something like na yung ‘magkakanak ka rin balang araw ek’ lang ang totoo sa sinabi ni Aiko in the The Buzz interview.

    “Alam ko naman ang mga takbo ng utak niya, alam ko what she is up to, alam ko ang mga strategy niya,” komento pa nito sa mga legal cases na ini-slap ng dating karelsyon sa kanya, pati na TPO na isinampa sa kanya na Aiko where he cannot go near beyong 500 meters kay Aiko. TPO means Temporary Protection Order.

     “Ploy niya yun, gusto niyang kontrolin ang mga moves ko, binawasan niya ang mga galaw ko,”sabi nito. “She knows my friends, including my lawyer live in area near to hers so ibig sabihin di ako puwedeng bumisita sa kanila.”

    But I know what she is up to,” sabi pa ni Mayor Patrick Meneses.

    Sa higing ni mayor, there’s no stopping him sa mga kasong isinampa niya laban kay Aiko. Mangyari na ang mangyayari, di raw siya titigil until…

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here