Kulang na lang, sabihin kapuwa nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na talagang silang dalawa na. Pero anumang panlilinlang ang gawin nila sa ngayon, paano man nila t-twist ang mga kasalukuyang kaganapan- na kesyo special friends lang sila, this fact remains. Na talagang silang dalawa na sa ngayon at this could have started a long time ago. Kiyeme na lang yung supposedly, sa isang jujitsu class sila nag-meet at naging magka-close nga sila. I personally have the notion na puwedeng si Luis Manzano ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break si Jennylyn kay Dennis Trillo. Na sa ngayon, pinalalabas lang na bagong magkakilala lang sila, but in truth and reality, noon pa man, may namuo ng relasyon at isa ito sa mga dahilan ng matinding pagseselos ni Dennis. Na kumbaga, both, Dennis and Jennylyn unconciously waited for a reason para kumawala sa kanilang walang patutunguhang relasyon.
Hindi kaya?
Anyway, panay nga ang paliwanag ni Jennylyn tungkol pa rin sa gulo nila ni Dennis Trillo.
“Napagod na ako and I felt I had to talk na para malaman nila kung ano ang totoong nangyari. Maraming nagtatanong at mga haka-haka, so mas mabuting sabihin mo ‘yung totoo. Kapag nagsabi ka ng totoo, wala kang dapat ikatakot. Naging mas magaan ang feeling ko after nailabas ko ang real score.”
Sila na nga ngayon ni Luis Manzano. Mismong si lalaki, umamin on national tv na enjoy siya kay Jennylyn.
Luis admitted that yes, he is dating Jen exclusively. They met in the gym while training for jujitsu and muay thai. Naipakilala na nga ni Luis si Jen sa ina at ito ay isang indikasyon na silang dalawa na nga.
Kinumpirma naman ito ni Jennylyn sa isang interview. “Overwhelmed ako. Masaya akong nagkaroon ng kaibigang gaya niya. He’s a real gentleman. I’m so lucky and happy nandiyan siya to put a smile on my face.”
Bakit gusto niya si Luis?
“I like his humor, ibang klase, hindi siya pumapalya sa pagpapatawa sa’kin. But hindi ibig sabihin nun, kami na. I’m still nursing a broken heart so I’m not yet ready to get into another serious commitment. Masyado pang maaga. Ilang months pa lang ang nakaraan. I’m glad Luis understands and willing siyang maghintay, in God’s time.”
Maghihintay? E ayan nga, silang dalwa na, ano pa ba kasunod na pangyayari? Pag pinaghintay ng babae si lalaki, at pag lagi siyang sumasama rito sa mga unofficial na lakad gaya ng paggo-grocery at panonood ng concert, yes, I like you, ang ibig sabihion noon.
Kay true na sina Luis at Jennylyn na!