Sa maraming interview, laging sinasabi ni Rufa Mae na nahihirapan siyang humanap ng lalaking totohanin at magpapakasal sa kanya.
Naudlot nga kasi yung sinasabi niyang kasal nila ng kanyang BF pero aniya, magkaibigan pa rin ang turingan nila sa ngayon.
Ang mysterious guy raw kasing ito ang itinuturing niyang espesyal sa buhay niya. Kumbaga, nirerespeto niya ng lalaki at siya pa rin, dahil nga may pinagsamahan naman sila.
“Una sa lahat, yung hindi natuloy, siguro may mga bagay na hindi para sa… kung ano yung nagaganap sa iba, hindi para sayo. So I think hindi pa para sa akin ang kasal, di ba? So ayoko naman pinilit kasi ang dami namang pwedeng gawin,” sabi pa ni ruifa Mae..
Paliwang pa niya, “Well, siguro, bukod sa you never know what’s gonna happen tomorrow, isa din sa na-realize ko na ang buhay hindi yan parang career or business na plano nyo e ganito, ganun na ang mangyayari.”
Rufa Mae said she and her boyfriend are still friends.
“Hindi ko pa naman binalik yung singsing, so there’s still hope, syempre. Nag-uusap pa kami,” sabi pa niya..
Masaya naman daw siya kahit single pa siya sa ngayon. She is being linked to Fabio Ide, pero giit ni Rufa Mae, friends lang daw sila ng Brazilian actor.
“So walang choice kundi positivity pa rin, harapin ang dapat harapin. Ang importante, ayoko na po nung kung ano anong ispekulasyon. Marami pang nadadamay, which is wala naman dapat sisihin. Kaya lang po yung katotohanan lang ngayon, sa akin, e siguro ito talaga ang destiny ko for now, alam mo yung tinanggap ko kaya ako Masaya.”
Hindi ba siya naiinggit sa mga kasamahan at kaedad niyang ikinasal na?
“Hindi ako naiinggit. Kanya-kanya tayo ng pupuntahan di ba, andudun lang ako sa level na bahala na Diyos kung ano plano Niya for me, di ba? Kumbaga, ayoko na pilitin ang mga bagay-bagay. Kung hindi uukol, hindi bubukol,” may halong birong sabi pa niya..
Sa career na lang daw siya naka-focus sa ngayon.
“Well sabi ko nga nung huling nag-usap kami, ganito. Basta sa ngayon, career na muna ako. I’m back to myself… Pero kung maayos naman sya, maayos naman ako, hindi kami magkakasakitan ng bongga, e habang buhay kaming magkakaroon ng relationship, di ba? Kasi bakit hindi? E kumbaga siya yung first fiance ko talaga, di ba? So importanteng importante talaga sya sa akin,” pagwawakas pa niya.