Mga kabaliwang kuwento sa buhay ni Sarah Geronimo

    1208
    0
    SHARE

    Daming mga di magandang anekdota tungkol sa mag-inang Divine a Sarah Geronimo.  Kalat na kalat sa showbiz ang maraming istoryang kinasangkutan ng mag-inang ito.

    Noong araw na nagsisimula pa si Sarah at hindi pa ganun kabongga ang kanyang exposure, naging paboritong biruan yung tungkol sa nanay niyang mahilig daw magbalot ng mga tiring pagkain sa catering ng ilang projects na ginawa noon ni Sarah. Pinagbubulungan ang mag-ina dahil hindi nga normal yung ibabalot at iuuwi mo yung tiring pagkain sa shooting.

    Pa-blind item ang mga kuwentong ito noon at wala namang makapagpapatunay na may ganung pangyayari nga.

    Pero dito natin patutunayan na laging true yung kasabihang, kapag may usok, may sunog.

    Isa pang kuwneto kay Sarah ay yung mimsan daw guest ito sa isang project. Bago sumalang pumasok daw sa kuwarto si Sarah at dinig na dinig yung pagsigaw niya nang malakas.  Nagkulong nga raw sa CR ang anak ni Aling Divine at doon nga ito nagsisigaw.

    “Pagod na kasi si Sarah, di na talaga siya makatanggi sa gusto ng nanay niya, sobrang overworked, di pinagpapahinga. Kaya ayun, para lang medyo lumuwag ang dibdib, nagsisigaw na lagn siya nang nakakulong sa CR,” kuwento pa ng isang reliable source.

    Hindi naman malaman kung lagging ganito o minsan lang nangyari yun.

    Isang kuwento naman yung kumalat na kesyo, nangungutang si Sarah sa mga kaibigan niya para mabili ang anumang bagay na gusto niya. Hindi raw kasi siya pinahahawak ng pera ng ina kaya idinadaan niya sa pangungutang para lang mabili ang ilang maliliit na bagay na gusto niya.

    Very classic naman yung inilihim ni Sarah sa pamilya niya ang pakikapgnobyo. Kahit kasi nasa edad na raw si Sarah, strict pa rin si Aling Divine, pero na-in love nga raw si Sarah, ayun nang ligawan siya ni Rayver, sinagot agad niya ito. Pero lihim nga lang ang relasyon na nauwi lang sa kontrobersya. By now, alam na ng publiko kung paano nawala sa buhay niya si Rayver, kung paano niyang subukang ipaglaban at bawiin to no avail at kung paano sobrang na-in love kay Cristine Reyes ang dapat sana’y kauna-unahang lalaki sa buhay ni Sarah Geronimo.

    Heto ka, may istorya ring kamuntik na niyang sagutin noon si John Lloyd Cruz. May pagkapabaling kasi si John Lloyd at dahil nakadalawang pelikula silang dalawa, nagkaroon ng tsansa ito na manligaw kay Sarah na hindi naman bumigay, sa halip, naging halos kaaway na nito si John Lloyd dahil nga sa pakikialam ni Aling Divine. Di nanaulit ang tambalan nila kahtit na sabihin pang pareho naman super hit yung dalawang pelikulang ginawa nila.

    Heto naman ang klasika.  Ito ay kuwento mismo ng isang starlet at di raw niya malilimutan and di kagandahang karanasan kay Sarah Geronimo.

    Marami ang nakaramdam ng awa sa pretty young starlet na si Charee Pineda  sa naging karanasan niya kay Sarah Geronimo.  Isa raw itong karanasang kailanman ay hinding-hindi na niya makakalimutan.

    Pinaglaruan daw siya ni Sarah nang nasali siya sa isang pelikula ni Sarah na naipalabas kailan lang.
    Una na yung pinalayas siya sa tent ni Sarah dahil puno ng gamit ni Sarah. Kulang na lang daw bitbitin siya ng mga guwardiya ni Sarah para umalis sa tent na alam daw niya from the start na ka-share sana niya si Sarah.
    Bigla rin daw napalitan ang role ni Charee who was supposed to take the role na best friend ni Sarah sa pelikula.

    Huli na raw nang sinabihan itong hindi na best friend ni Sarah ang role at imbes ay office girl na lang. Wala naman daw naging problema kay Charee, since nandoon na raw siya ay itinuloy na niya kung anuman ang role niya dahil ang habol niya’y ang chance na makatrabaho si Sarah.

    Pinagbihis na nga raw si Charee at minieykapan. Maya-maya ay nilapitan raw si Charee ng wardrobe at pinagpapalit ito ng damit dahil pareho raw sila ng kulay ng damit ni Sarah. Akmang magpapalit naman daw ng damit si Charee, pero may nagsabi ritong huwag na dahil nauna naman siyang magbihis kay Sarah kaya ang dapat daw ang magpalit ang bida. Sumunod naman daw si Charee sa kung ano ang sinabi sa kanya at tahimik lang ito.

    Pero ang mga sumunod na pangyayari ay nagbigay ng pagkagulat at pagkabigla sa pretty young star.

    Lumabas daw si Sarah at nilapitan siya sabay dayalog ng ganito; “Ang ganda mo! Ang ganda-ganda mo! Sige, ikaw na ang lead! Ikaw na ang bida dito!” Sinasabi raw ito ni Sarah ng nakatawa, pero sarcastic ang dating.

    Medyo nagulat daw si Charee at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tahimik lang daw ito at naka-smile pa rin. Pero napaisip daw ito sa ginawang ‘yon ni Sarah. Sey raw ng pretty young star, kung nagbibiro raw si Sarah nang sabihin ‘yon, bakit naman daw, eh hindi naman sila close? Kung nagpapatawa naman daw ito, wala namang tumawa at nagulat pa nga ang mga naka-rinig.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here