Amuse na amuse kami habang naglilitanya’ng isang reporter tungkol sa ‘kimkim na ‘galit’ niya kina Kim Chiu at John Lloyd Cruz. Although, walang malalim na dahilan na mai-reason out ng reporter tungkol sa pakiramdama niya sa dalawa, talagang halatang buong buhay na niyang kamumuhian ang dalawang artistang isinumpa na raw niya.
“Ay naku, kahit na bayaran ako ng malaking halaga, hindi ko talaga aatenin ang anuman tungkol sa dalawang yan. Never, never na never silang makatitikim ng anumang papuri sa akin,”sabi pa nito.
“Basta nasusuka ako, marinig ko lang ang mga pangalan nila. Hindi naman nila ako inaano, pero talagang inis na inis ako, kumukulo ang tae ko sa kanila,” dugtong pa nito.
We can only guess na nagkaroon ng masamang karanasan si reporter kina John Lloyd at Kim Chui. It must be something grabe dahil kung hindi, kilala naman naming may kababawan lang si reporter at kaunting haplos lang sana, magugustuhan na niya ang dalawa.
Anonga ban’g dahilan niya para ganooon na lang ang pagkamuhi niya sa dalawa.
“Wala lang, I don’t like them, hindi sila swak sa sistema ko. Kung ikukumpara ko sila sa mga kasamahan nilang artista, talagang hate ko sila, never talaga,” sabi pa nito.
“Ay naku, ipasulat na lang at ipapuri sa akin si Nora Aunor, makakaya ko, ‘wag lang ipapuri sa akin ang dalawang ‘yan. Sa true, wala naming mapuri-puri sa kanila.”
Avid Vilmanian si reporter, at kung totoong kaya niyang magustuhan si Nora na kaaway na karnal ng kanyang idolo, ano ba ba’ng dahilan para isumpa na niya sina Kim at John Lloyd?
Nawi weird-uhan talaga kami, but that’s life, kanya kanyang pagkamuhi lang naman ‘yan.


