Ex-Sexbomb Aifa Medina ka-affair ni Derek Ramsay?

    600
    0
    SHARE
    Naglabas ng  babala si Joy Cancio, manager ng Sex Bomb tungkol sa paulit-ulit na paglitaw ng pangalan ni Aifa Medina sa hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Pangilinan.

    Nais ipaalam  ni Joy, three years nang hindi miyembro ng Sexbomb Girls si Aifa dahil nasa pangangalaga na ito ngayon ng Viva Entertainment.

    Kung ilang beses na kasing nasusulat na miyembro pa rin ng Sexbomb si Aifa.

    May isyu kasi ngayon kay Aifa na siyang itinuturong dahilan ng break-up umano nina Angelica Panganiban at Derek Ramsey.

    Baka raw kasi isipin ng mga tao na lahat ng Sexbomb girls, naninira ng relasyon dahil na rin sa isyung kinasasangkutan ni Aifa.

    Hindi pa ba malinaw na kumpirmasyon ang babalang ito? Sa amin, it lookls like na pinatotohanan ni Joy na totoo yung lumalabas na balita. Na talagang third party si Aifa sa love problem  nina Derek at Angelica.

    Puwedeng mali kami. Kaya nga lang, hindi naman normal na kailangang linawin pa ni Joy ang isyu na umabot sa puntong dini-disown pa niya si Aifa.  Bat naman kasi mag-iisp ang sinoman na kung member nga ng Sex Bomb si Aifa at totoong malandi nga ito at mapanira ng relasyon, paano maaapektuhan ang ibang Sex Bomb Girls. Illogical ang ganyang supposition.

    Malinaw lang na ang read in between the lines sa babala ni Joy ay ang pagsasabing oo, totoo nga na si Aifa ang ipinalit ni Derek kay Angelica.

    Ganoon ang dating nun, wala nang puwedeng ibang ipakahulugan.

    Isa raw si Aifa sa tumiwalag sa sikat na dance group, tulad nina Jopay Paguia, Yvette Pabalan at iba pa.

    Kaya naman daw ang ending, pare-parehong tumamlay ang career ng mga ito, lalo na si Jopay na isa nang super-sikat noon among the Sexbomb girls.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here