Kaya maraming projects??? Bianca Manalo may lover na network executive?

    346
    0
    SHARE
    Suwerte ba talaqga or true yung tsismis na may lover na executive si Bianca manalo sa ABS-CBN?

    Hindi pa man natatapos ang Juanita Banana, binigyan na agad siya ng bagong show ng ABS-CBN, ito ngang Happy Yipee Yehey kung saan ay masusubukan naman ang talent niya sa hosting.

    Naiintriga na rin ngayon ang dating beauty queen dahil may tsismis ngang may isang top executive ng ABS-CBN na may gusto sa kanya kaya hindi siya nawawalan ng proyekto.

    “Ngayon ko lang po narinig ’yan,” sagot niya nang tanungin siya about it.

    “Alam n’yo po, sobrang nagpapasalamat lang po talaga ako sa management, kina Ma’m Cory (Vidanes), Ma’m Linggit (Tan), Ma’m Charo (Santos-Concio) at Sir Gabby (Lopez) na pinagkakatiwalaan talaga akong bigyan ng mga project.

    “Sobrang thankful ako kasi, ’yun nga, hindi pa natatapos ang Magkaribal, nagka-Juanita, tapos eto, hindi pa tapos ’yung Juanita, meron na akong noontime show, so, sobrang thankful ako.

    “Pero hindi po totoo ’yun,” paglilinaw ni Bianca hinggil sa tsismis na hawak siya ng isang top executive.

    Hindi rin feel ni Bianca na ikinukumpara siya sa ibang artista tulad nina Bianca Gonzales at Venus Raj.

    “Uy, wala naman pong ganyan-ganyan, wala po sanang compare-compare. Bad ’yon. May kanya-kanya nga kaming galing, ’di ba?” say pa ni Bianca.

    Sobra rin ang pasasalamat ni Bianca sa lahat ng sumubaybay sa kanyang teleserye and for now, medyo stop muna ang aktres sa drama series dahil dito na nga muna siya magku-concentrate sa Happy Yipee Yehey.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here