Ang babaeng naging dahilan sa pagiging alcoholic ni Baron Geisler

    566
    0
    SHARE
    Bakit nga ba naging lasenggo si Baron Geisler? Dahil nabigo raw ba siya sa pag-ibig. Our friends in Angeles City don’t want to buy the idea. Noon pa raw bata si Baron, kilala na siya sa pagiging lasenggo at ilang beses na siyang nagwala sa ilang lugar sa Angeles City.

    At hindi ba, may kuwentong nalasing noon si Baron at sumamang natulog sa isang bading na reporter noon?

    O hindi ba, bata pa siya ay may senyales ng maggiing alcoholic nga siya?

    Hindi man tuwiran, pero sa mga pahayag ni Baron Geisler kay Karen Davila sa interview nito sa ANC, sinisisi ng lasenggong actor ang breakup nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria kung bakit siya naging alcoholic.

    Inamin niyang naging mas madalas ang pag-inom niya pagkatapos ng paghihiwalay nila ng aktres, na inilarawan niya bilang “the one that got away.”

    In other words, si Jodi ang greatest love ni Baron.

    It may sound unfair both to Jodi and Baron’s current girlfriend, pero yun ang lumalabas na katotohanan sa bibig niya.

    Jodi is now happily married to Panfilo Lacson, Jr. at siyempre pa, parang nakakakunsiyensiya rin kung maririnig niya ang pahayag ni Baron. Kahit na nga sabihin pang in good terms na sila bilang magkaibigan, ang pagsasabing may kinalaman din ang breakup nila sa pagiging alcoholic niya ay hindi magandang pakinggan.

    Maybe, it is really good that Baron be rehabilitated. He should come to terms with himself. Hindi yung kung sinu-sino ang sinisisi. At talagang hindi pa rin niya maamin na may kasalanan siya sa mga babaeng nagsampa ng demanda sa kanya, kabilang na ang aktres na si Yasmien Kurdi na kilala bilang disenteng babae.

    In between his lines, parang lumalabas na suwerte pa ang isang babae kapag nagustuhan niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here