Anne Curtis walang paki sa away nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo

    385
    0
    SHARE
    “No comment” ang sagot ni Anne Curtis nang matanong siya sa reaksyon niya hinggil sa away na namamagitan ngayon sa kanyang dalawang kapatid sa VAA (Viva Artists Agency) at sa ABS-CBN na rin na sina Cristine Reyes at Sarah Geronimo.

    “Malaking no comment po ako diyan,” mabilis niyang sagot. “Ayoko na lang pong mag-comment dahil wala ako sa ASAP XV nu’ng mga nakaraan, so wala talaga ako masasabi. Sana everybody happy na lang,” say niya sa press launch ng Ginebra San Miguel Calendar 2011 kung saan ang aktres ang napiling maging calendar girl.

    Natanong din si Anne kung ano ang damdamin niya sa pag-aartista ng nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis at kung may blessings ba niya ito gayundin ang pag-sign-up nito sa TV5 at hindi sa ABS-CBN kung saan ay magkakasama sila sana.

    “Oo, siyempre, lahat naman ’yan (ng offers) dumaan muna sa akin and I’m happy na isa siyang Kapatid. First of all kasi, they (TV5) were able to give her an offer na ang priorities niya, ‘yung studies niya and big factor ‘yun for me, so I’m just happy na she’s here for school vacation lang, tapos babalik siya do’n (Australia) at tanggap ’yun ng Kapatid. Everytime na vacation niya, babalik na lang siya dito hanggang next year, mga February.”

    Kung sakali naman daw na gusto na ni Jasmine na i-full-time ang pag-aartista ay puwede rin naman daw provided na natapos na ito ng kanyang pag-aaral.

    “After niya mag-university, puwede na siya magsolo, ang importante sa akin, makatapos siya ng pag-aaral. And then kung gusto niya mag-full time, hindi ko siya pipigilan kung ’yun talaga passion niya,” say pa ni Anne.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here