Boy Abunda defends Bong Quintana

    451
    0
    SHARE
    In his usual self si Boy Abunda sa press visit naming sa kanya show na SNN sa ABS-CBN noong Biyernes. Si Kuya Boy naman, jolly ever na feel mong welcome na welcome ka sa kanyang show basta pumaroon ka. Anyway, maraming issues na nilinaw si Kuya Boy at isa na rito yung tungkol sa mga nasty comments sa position ng partner niyang si Bong Quintana bilang bagong VP For Entertainment ng PAGCOR.

    Napkarami nga kasing flak ang natatanggap ni Bong at yung iba, may malisyang kaya nalagay sa posisyon si Bong ay dahil nga sa nasa clout siya ni Boy Abunda. Being ever close sa pamilya Aquino because of Kris, si Bong nga ang nagdurusa ngayon dahil sa mga isyung di kanais-nais na ibinabato sa kanya.

    “Tigilan na nila si Bong, mabuti siyang tao, he doesn’t deserve all these things. Ako ang masyadong nasasaktan para sa kanya, kawawa naman siya, ako na lang ang tirahin nila” lahad pa ni Kuya Boy.

    “But he will weather this, kilala ko si Bong, he is focused kaya kaya niyang palampasin ang lahat ng mga bira sa kanya. Kaya lang, naawa ako, hindi totoo ang mga paratang sa kanya.

    “Walang kasalanan si Bong kung nakasagasa siya ng ibang mga tao roon, inilagay siya sa posisyon and he deserves to be in that psotion, kung naiinggit sila sa kanya, okey lang pero ‘wag naman sana silang unfair,

    “Noong araw pa naman connected sa PAGCOR si Bong, bakit hindi sila kumikibo. Tatlong taon na si Bong sa PAGCOR, bakit ngayon lang siya tinitira.”

    Nalaman namin from Boy na may naidirek na palang mga  shows sa PAGCOR si Bong. Nagustuhan daw ang trabaho niya at ngayon nga, promoted na siya, hindi tama na tirahin siya dahil lamang sa isang posisyon.  “Hindi naman ganoon kalaki yung posisyon. Hindi naman nagde-decide si Bong doon, may board na nag-a-approve ng mga projects so why center on him.

    “Kung ako nga ang tatanungin, I need Bong at Backroom. Ako ang nag-suffer sa pagkawala niya, kaya lang, di ko siya mapigilan, happy siya doon, I think there’s something he needs to prove. Na kahit wala siya sa shadow ko, he could be on his own.  Yun na lang ang consolation ko. Kasi with PAGCOR, masaya si Bong, but like I said, I need him at Backroon para naman di ko akuin ang mga trabaho niya,” paghihimutok pa ni Boy |Abunda.

    “Kasi daw, baka raw may conflict of interest, dahil taga-Backroon si Bong, baka raw laging mga talent ng Bacroom ang kukunin nila.

    “Nagpa-research ako, tiningnan naming ang records, noong araw, ganyan ang halaga ni Erik Santos sa mga shows niya sa PAGCOR, with Bong there, bumaba na, sina Sitti at Kaye Brosas ganyan din, bumaba pa’ng presyo nang kunin sila sa panahon ni Bong. So, ayan yung conflict of interest diyan.

    Sina AiAi, Rufa Mae at Gretchen di naman puwede sa PAGCOR so ano yung sinasabi nila.

    “Sabi ko nga kay Bong, di na kami magbibigay ng talent sa PAGCOR unless may written request mula sa PAGCOR, yan ang malinaw ngayon para walang kesyo kesyo,” seryosong sabi pa ni Boy Abunda.

    So there!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here