James Yap ayaw aminin ni Isabel Oli

    368
    0
    SHARE
    Awang-awa pala si Isabel Oli kay James Yap dahil nga nali-link ito sa kanya. May mga reports na nakikita raw silang magkasama ni James at may mga nagpapalagay na sila na nga. Bukod pa yung regular na nakikita sa mga PBA games si Isabel kaya nga lumalakas ang implication na si James talaga’ng pinupuntahan nito.

    “Naaawa ako sa kanya na lahat na lang ng makausap niya, ili-link sa kanya, sabi pa ni Isabel sa idang reporter na nakausap niya.”

    Inamin nitong nagkita nga sila minsan ni James sa isang mall at nagkumustahan sila. Pero sabi ni Isabel, kasama niya at that time ang non-showbiz na regular daw niyang ka-date.

    “Why kaya parang walang nakakita ng kasama ko that time? Para namang non-existent yung ka-date ko at kami lang ni James ang nakita ng nag-scoop noon. I was with somebody that time. Dahil magkakilala naman kami ni James, nagkumustahan lang kami and that was it.

    “Nakakaawa na si James. I think he’s been through a lot lately, ‘tapos dagdag pa itong issue. He is a friend. We’re both Bisaya and I have been dating someone for the past year na, and you know that.”

    Ikinuwento rin ni Isabel na totong regular siya sa PBA games. Mahilig daw talaga siya sa basketball kaya sinasamantala nitong gamitin yung special pass na bigay sa kanya ng brother niya who wokrks for a PBA basketball team.

    “My brother works for Welcoat, that’s why we always have free tickets kapag naglalaro sila. And ako naman talagang mahilig and huge fan of basketball, kaya sumasama ako.”

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here