Lovi Poe nakipaglandian sa multo

    363
    0
    SHARE

    Sexy at  kaakit-akit si Lovi Poe. Lumalabas na ang itinatago niyang kaseksihan at patunay ang daring niyang pictorial ng isang underwear kung saan nakabuyangyang na ang alindog niya sa isang giant billboard.

    Maging sa pagtanggap ng roles sa pelikula, palaban na rin si Lovi. Kaya naman kelan lang ay nabiyayaan siya ng acting award sa isang indie movie, huh! Aba, may pinamanahan yata ang young actress!

     Isa na riyan ang mapaghamon niyang papel sa bagong horror flick na White House ng Regal Entertainment, Inc.  Pokpok ang role niya sa Topel Lee movie na sasali sa isang reality show na ang challenge ay ikukulong sa isang

    white house sa Baguio City upang malaman kung mga multong namamahay doon.

    Kapalit nito  ang premyong P1M sa makakatagal sa puting bahay.

    Siyempre, seksi-seksihan si Lovi sa kanyang mga eksena para justified ang papel niyang prostitute. Pero lingid sa kaaalaman niya, may mga ispiritu at multong naakit sa kaseksihan niya habang nagsusyuting sa Baguio.

    Eh, ’di ba, kilala rin ang Baguio sa mga lugar na pinaglulugaran ng mga multo?

    “Na-shock nga kami minsan sa ginagawa ni Lovi  habang break sa shooting. May nakakita sa kanyang parang may kausap. ’Yung pinagsyutingan namin kasing Laperal Mansions, balitang pinamumugaran ng iba’t ibang klase ng ispiritu. Ngiti nang ngiti si Lovi at feeling namin, nilalandi siya ng mga multo! Seksi kasi ang role ng hitad kaya hindi ma-layong pati multo, nagus-tuhan siya!” kuwento ng staff ng movie.

     Aba, hindi lang para sa normal na tao ang alindog ni Lovi kungdi pati na rin sa paranormal, huh!  Super lakas talaga ng kanyang appeal!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here