Boy Abunda naghahanda nang pasukin ang pulitika

    413
    0
    SHARE



    KULANG NA lang ay i-launch na ng Backroom, Inc. ang mga bago nilang talents. In connection with this, an interview was conducted by some press people sa set ng SNN sa ABS-CBN. Si Boy Abunda’ng humarap bilang top honcho ng entertainment company.

     

    Pero siyempre, ‘pag si Boy Abunda’ng kaharap mo, there are things as importanat na itatanong sa kanya.

     

    Unahin na lang natin itong tungkol sa mga bagong talent ng Backroom. Lima silang lahat na nagnanais makipagsapalaran who at the moment ay nasa bakuran ng outfit ni Boy Abunda. Knowing kung gaano katindi ang kakayahan ni Kuya Boy, they chose him na magpalakad ng kanilang uumpisahang career.

     

    Sila ay sina Bianca Roque, K-La, Bonjovi Osorio, Neil Fereira and Richard Reyes.

     

    Datihan na sa tv si Bianca dahil sa kanyang stint as a MYX VJ.

     

    Nakagawa na rin siya ng marainng commercial at meron pang ibang endorsements. Well-traveled si Bianca dahil dati siyang flight stewardess.

     

    “I love doing the works of a VJ. It’s fun, I feel it’s an art,”sabi pa nito.

     

    Singer naman si K-la who has a very powerful voice. Tatlong taon pa lang daw ay kumakanta na siya. Taga-Canada si K-La at nadiskubre through David Foster Star Search.

     

    Beauty and brain, K-La is a recipient of several awards from different beauty contests. Bonjovi is boyishj who has irresistible charms and has the makings of a matinee idol.

     

    Paborito ng tatay niya’ng grupong Bonjovi at obviously, dito kinuha ang kanyang pangalan.

    Gusto raw niyang makaliga si John Lloyd Cruz dahil idol niya ito.

     

    Gusto namang maging action star ni Neil Fereira. Blue belter siya sa martial arts. “I want to

    become an action star,” sabi niya sa amin.

     

    And did you know na tapos ng Consular and Diplomatic Affaris graduate ang batang ito?

    Talbog!

     

    Finalist naman noon sa isang StarStruck edition si Richard Reyes. A jack of all trades, he can sing, dance and act. Si John Lloyd Cruiz din po ang idolo niya.

     

    Para daw sa inquiries tungkol sa limang baguhan, tumawag lang sa Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroomtalents@pldtdsl.net.

     

    So there!

     

    And now sa meat ng ating story: Nilinaw nga ni Boy Abunda yung balitang nag-decline siya sa offer ng Noynoy administration para maging Secretary of the Department of Tourism.

     

    Naunahan pala siya ng inis sa mga hindi magandang komento sa mga ibang tao na insecure sa kanya nang kumalat ang tsikang gusto nga siya ni Noynoy para sa kanyang administration.

     

    “I was excited, true talagang lumutang ang pangalan ko, kulang na lang talaga ‘yung formal offer but many people are already telling me na ako nga raw ang napipisil. Sabi ko nga, just in case, I am inclined to decline the offer kahit na ganoon pa kalaki yung posisyon. Una nga, meron pa naman akong kontrata ditto saABS-CBN at gusto ko namang tapusin ito. Ayoko namang basta na lang iwan ang ABS-CBN na nakabitin,” paunang kuwento pa ni Boy Abunda sa amin.

     

    But I would like to emphasize that I am not closing my doors, baka dumating yung time na baka tanggapin ko rin. At the moment, inis ang nauna sa akin dahil may mga taong minamaliit ako,”sabi pa niya.

     

    “Entertainer lang daw ako, bakla lang na para bagang insulto na sinasabing kulang ang aking pagktao to handle the position. Mas okey pang sinabi nila na hindi pa ako handa, ako mismo, pinaniniwalaan ko yun. Challenge kasi yun sa akin to strive for more para maging karapat-dapat ako.

     

    Pero para yurakan naman ako, aba, I can’t take that just like that. Ayoko ng insulto,” sabi pa ni Kuya Boy.

     

    “Ayan tuloy, nag-iisip akong pasukin ko na nang tuluyan ang pulitika. Nais ko silang lalong inisin.

     

    Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko, so bakit nga hindi, bakit hindi ako pumasok sa larangang ito,” patuloy niya. Pero malinaw yung sabi naman ni Kuya Boy na hindi naman seryoso yung sinasabi niya sa ngayon. Ang sigurado raw, gusto rin niyang maglingkod but now, his only motivation ay yung maipakita’ng kakayahan niya.

     

    Sa ngayon kasi, tinatapos na ni Kuya Boy ang kanyang thesis para makumpleto na ang kanyang masteral degree sa Atenelo Graduate School. “Tatapusin ko ito ng hanggang sa doctoral level,”sabi

     

    pa niya. “In fact, in connection with this, magtuturo ako sa PWU ng Com. Arts. Excited ako because this is another horizon for me,”sabi pa niya.

     

    Hindi kaya pinaghahandaan na niya para tuluyan siyang pumasok sa larangan ng pulitika?

    “No, hindi naman, I really like to develop educationally. Habang may maraming time, gusto ko naming samantalahin. Naniniwala kasi akong lagi kang maglagay ng room to change a

    step,”pagtatapos pa ni Kuya Boy. Hindi ko naman sinasabing ibubuhos mo ang lahat, what I am saying is everybody should make a different step para naman masabing nagpupunyagi siya,” makahulugang sabi pa nito.

     

    Kungtatakbo siya, ano naming posisyon ang target niya?

     

    “Wala, none in particular, when the time comes, bahala na. Ang sa akin, ngayon, malinaw na gusto ko naming makapaglingkod sa Eastern Samar. Gusto kong paglingkuran ang mga kaprobinsiya ko.”

     

     

     

     

     

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here