Survivor si K Brosas

    4195
    0
    SHARE
    Dami na palang pinagdaanan ni K Brosas sa buhay. Una na nga rito yung pang-iiwan sa kanila ng kanyang nag-iisang anak ng tatay nito. Pagkasilang daw ng anak niyang si Kristal, di na nagpakita yung lalaki.

    Pero alam ba ninyong kailan lang, nagpakita na sa kanila’ng lalaki si K mismo ang nagkuwento sa ilang press during the presscon of D’ Survivors where K Broras is one of the lead.

    Sa nangyari, napakasaya ni K para sa kanyang anak. At last daw, ngayong dose anyos na’ng anak, may matatawag na itong ama.

    And did you know, naging biktima pala si K Brosas ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon?

    Tsika ni K Brosas, nawala lahat ang ipinundar niya sa mahabang panahon dahil lumubog ang kanyang bahay dahil sa bagyong Ondoy.

    “Natakot ako kasi halos lahat ng pinagtrabahuhan ko ay nawala at lumubog sa baha. Sa bubong kami ina-bot ng anak ko dahil talagang lumubog ang bahay namin.

    “Ayokong kuwestiyunin ang Diyos sa nangyaring ‘yun. Pagsubok ‘yun, eh. Naisip ko na baka nagkulang din ako kaya nangyari ‘yun.

    “Ang natutuhan ko sa nangyari ay huwag maging masyadong materialistic. Kasi, sa isang iglap ma-wawala lahat. Ngayon, kung hindi ko na rin lang kailangan ay dedma na,” mahabang tsika ni K.

    Dahil na rin sa tulong na hindi niya inaasahang darating sa kanya, mabilis siyang naka-recover at nakapagsimulang muli.

    Natutunan din ni K na kilalanin ang mga tao sa pali-gid nila kasi sila rin daw ang mga taong unang hihingan ng tulong sa panahon ng kagipitan.

    Ngayon ay unti-unti na silang nakakaahong mag-ina sa nangyari. Kung gaano raw kasi kalakas ang tubig na pumasok sa bahay nila dahil sa bagyo ay ganoon din ang buhos

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here