John Lloyd natakot makipagkita kay Ruffa Gutierrez kaya di sumipot sa Star Awards

    475
    0
    SHARE
    Sinagot ni Ruffa Gutierrez ang mga isyung inisnab daw ni John Lloyd Cruz ang PMPC Star Awards sa takot na makaharap si Ruffa. You see, anytime, ready yatang maging violent si Rufingfing kung makasalubong niya si John Lloyd who is said to have broken her heart as of late.

    Totoo bang hindi raw um-attend ng awards night si John Lloyd para iwasan siya?

    “Is it confirmed?” balik-tanong ni Ruffa sa mga press. “Alam mo mahirap naman for me to presume that. Mahirap naman for me to presume anything. You know, ang sinabi ng tumanggap ng award, may sakit siya. I don’t think there’s an issue naman, e. I was there because I was doing my job.”

    Diumano’y may tao raw mula sa kampo ni John Lloyd na nagtanong sa taga-PMPC ilang oras bago ang awards night kung anong oras daw kailangan si John Lloyd. Sinabi ng taga-PMPC na about 9 p.m. Pero noong kalagitnaan na ng awards night, biglang nagpasabi na nilalagnat na raw si John Lloyd.

    Bakit kaya biglang nagbago ang isip ni John Lloyd? Naniniwala ba si Ruffa na may nagbawal daw kay John Lloyd na um-attend ng awards night?

    “Alam mo, for me, that question should be asked to him. Ang importante I had fun hosting the show with Tito Boy na ang tagal ko nang hindi nakausap, and of course si Tita Lorna. Ang saya-saya namin backstage. So, kung sino man ang dumating at hindi dumating, that’s not our responsibility anymore. Basta us, we did our jobs as hosts,” sabi niya.

    Noong malaman niya na may sakit si John Lloyd, ano ang reaksiyon niya?

    “Ingat! Get well soon,” sagot ni Ruffa.

    Hindi ba siya nag-worry?

    ”Hindi naman, hello!”

    Totoo bang nagtatatalon daw siya sa backstage nang matawag ang pangalan ni John Lloyd as Best Actor?

    ”Hindi naman. We were joking-joking lang sa backstage. Siyempre naman, inaaliw namin ang sarili namin dahil wala nang kape. Naghahanap kami ni Tita Lorna ng kape, walang kape. You know, we’re just friends, huwag n’yo na kaming itukso-tukso,” sabi ni Ruffa.

    Pero happy ba siya na nanalo si John Lloyd?

    “Oo, I think they are all deserving naman,” sagot niya.

    Kung saka-sakaling siya ang pinatanggap ng award ni John Lloyd on stage, tatanggapin niya ba ito? May mga pagkakataon kasing puwedeng ang host ang tumanggap ng award for the winner kapag absent.

    ”Hello, bakit? Siguro that’s not ano…nakakahiya naman kung ako ang tatanggap.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here