Kim Chui di raw kumporme sa pre-marital sex

    705
    0
    SHARE
    Bente anyos na si Kim Chui noong huling birthday niya. Ayon sa  kanya, panahon na raw upang hubarin ang kanyang preppy image and go for something more daring. Kaya ‘wag daw ma-shock sa kanya kapag napanood siyang nakikipaglaplapan sa mga leading men niya. Kumbaga, magiging sobrang wild na si Kim.

    But that doesn’t mean na sa tunay na buhay ay ganun din ang gagawin niyang mga pagbabago. In real life, siya pa rin daw yung babaing disente at conservative.  “I was raised to be conservative, but I could understand yung iba na mas liberated pa sa kin.”sabi niya.

    Kailan lang yung tsismis na nahuli raw sila ni Gerald Anderson na nagli-lips-to-lips sa fire exit ng hotel na tinuluyan nila sa Boracay. This and other rumors na kesyo roommates pa sila ni Gerald. Kung true, that simply meant na nagsisiping din sila?

    “Not true, ayaw ko na sanang i-explain yan, that rumor is very ridiculous. I don’t believe in pre-marital sex at ni minsan di ko pa ginawa yan.  Mga friends kong babae ang ka-roommate ko. True po, kasama ko si Gerald sa Boracay pero marami kaming magkabarkada. Sila ni Matt Evans ang magkasama sa kuwarto,” paliwanag pa ni Kim.

    Although, may pagkakonserbatibo nga si Kim, inihayag naman niyang nakahanda na siyang umamin na sila na nga ni Gerald. Nasa tamang edad na nga naman ang aktres kaya okey lang ang maging magkarelasyon na sila ni Gerald. After all, ilang taon na rin namang close ang dalawa at talagang very comfortable na sila sa isa’t isa. “But our careers are top priority.  Marami pa kaming pangarap na gusting tuparin,” kuwento pa nito.

    Meanwhile, marami nang naipundar si Kim Chui at kasama nga rito yung worth ten million na house and lot na ipinagagawa niya.  At siyempre, investment di naman yung Hermes signature bag na kung ilang milyong piso ang halaga.

    Bongga, di ba, Rey Pineda?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here