Cristine Reyes, selos na selos kay Jennylyn Mercado

    721
    0
    SHARE
    Hindi na naman sinipot ni Cristine Reyes ang second presscon ng Working Girls kung saan kasama niya si Jennylyn Mercado.

    Baka hindi raw kasi matiis ni Cristine ang emosyon at mapagsabihan niya ng kung anu-anong masasakit na salita si Jennylyn, na kasalukuyang GF ng ‘ex’ niyang si Dennis. 

    Meaning, mahal pa rin ni Cristine si Dennis at ang tingin niya kay Jennylyn ay mang-aagaw ng kasinta-han.

    By the way, nasa cast din ng Working Girls ngayon ang orihinal na cast nito 25 years ago na sina Carmi Martin at Maria Isabel Lopez.

    Samantala, nagsalita naman si Dennis Trillo na bago naman daw sila nagsimulang mag-date ni Jennelyn Mercado, wala na talaga silang relasyon ni Cristine Reyes.

    In the first place, mabuti at inamin na rin ni Dennis na naging sila ni Cristine.

    Kasi, noong panahong sila ang nakikitang magkasama sa mga lakaran, wala siyang inamin tungkol dito.

    Si Cristine lang ang nagsasabing may relasyon sila at ang madalas sabihin ni Dennis noon ay magkaibi-gan lang sila.

    Marami nga ang nagsasabi ngayong nakapagtataka dahil inamin agad ni Dennis ang relasyon nila ni Jen.

    “We are exclusively dating”  pahayag ni Dennis at kung ano man ang kahulugan nito at kung saan natatapos ang exclusive dating nila, hindi na natin alam at hindi naman natin inuungkat dahil siguradong personal na ito.

    Pero marami ang nagsasabi na nakapagdududa ito dahil hindi nga normal na umaamin agad sa isang relasyon si Dennis.

    Kung natatandaan ninyo, hindi naman niya inamin si Carlene Aguilar noon at kung hindi pa nanganak ay hindi pa mabubuko at aaminin ni Dennis na anak nga niya ang isinilang ni Carlene.

    So, masasabing may “exclusive dates” din sila, pero hindi niya inamin.

    Bakit ngayon kay Jennylyn ay bigla siyang umamin?

    Ito namang si Jennylyn, galit na galit kay Patrick Garcia na hindi pinanagutan ang responsibilidad sa kanya at sa kanilang anak.

    Bakit ngayon ay okey lang sa kanya si Dennis na ganoon din naman ang kaso?

    Kaya kami, ang attitude namin sa mga balitang ‘yan ay wait and see na lang muna.

    Basta nabuntis ulit si Jenneylyn, totoo ang relas-yon.

    Kung hindi, baka naman promo lang para sa pelikulang Working Girls ng Viva Films at GMA Films, na isa siya sa mga bida.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here