Baby James pinarusahan??? Kris ‘di na sinasama ang anak sa kampanya ni Noynoy

    278
    0
    SHARE
    Malaking dagok sa kampanya ni Noynoy yung pagsasa-Villar ng pamangking si Baby James. Talaga namang pinag-usapan ito sa Facebook at maging sa ibang showbiz talkshow.

    Dahil sa nadala na, di na dinadala ni Kris Aquino ang anak na si Baby James sa mga kampanya ni Sen. Noynoy Aquino.

    “Naughty kasi siya kaya ’di ko na sinasama. Naughty din ako, siya ang karma ko,” natatawang sabi ni Kris.

    Sa bahay na lang daw ang bagets at panay ang swimming, samantalang siya ay busy sa pagsama sa kapatid sa mga political sortie nito.

    Ikinuwento ni Kris na biggest crowd ang pinuntahan nila sa Leyte since pumunta roon si Erap Estrada, today nasa Tarlac sila at sa Thursday, sasamahan siya ni Boy Abunda sa pag-ikot sa ilang parte ng Samar at sa Saturday, sa Davao siya pupunta.

    Na-share ni Kris kay Lucy Torres-Gomez ang ginagawa niya sa kampanya na namimigay ng giveaway. Mula sa kanyang mga kapatid ang rosary beads na gawa ng mga madre, t-shirt from Baby James, wrist band from James Yap at CD naman ang bigay niya.

    Binibilang ni Kris ang natitirang araw at tiniyak nito ang pagbabalik sa SNN sa May 17.

    Looking forward na rin siya sa Hong Kong trip nilang mag-anak to celebrate Joshua’s 15th birthday.

    Promise niya sa anak na ipapasyal sa Disneyland at dahil meron na nito sa Hong Kong, du’n na sila pupunta.

    Nagulat kami dahil first time naming narinig na ginamit ni Kris ang salitang “walanghiya” at ang mga naninira kay Sen. Noynoy ang kanyang tinukoy dahil pati raw ang ina nilang pumanaw na, idinadamay pa.

    Hindi rin siya naniniwalang ayaw sa kanya ng mga tao dahil kahit saan siya pumunta, “Kris, I love you” ang kanyang naririnig.

    Tinanggap na lang daw niya ang lahat ng masasakit na sinasabi at nasusulat tungkol sa kanya.

    Sa tanong kung ano ang unang gagawin niya ’pag nanalo si Sen. Noynoy, ang sagot ni Kris, dadalaw sila sa puntod ng mom niya at pati na siyempre sa puntod ng ama to say thank you at dadalo sa proclamation.

    “A-attend kami sa proclamation niya, bakit? Kapatid naman kami,” sabi niya.

    Samantala, sabi ni Kris, hindi siya nagbigay ng advice kay KC Concepcion kung paano mag-host dahil smart at palabasa naman ito.

    Sinabihan lang daw niya itong laging colorful dress ang isuot dahil siya’y always in black until August.

    Bago pa intrigahin, sinabi na ni Kris na bago ang The Buzz last Sunday, inimbita niya sina KC, Boy at ibang staff ng show sa bago niyang bahay.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here