Claudine, Gretchen may alitan na naman?

    399
    0
    SHARE
    Lubhang nakasakit pala kay Claudine Baretto yung itinatapat ng ABS ang kanyang drama series sa GMA 7. Yes, mismong sister nitong si Gretchen kasi ang magiging karibal niya.

    “Nasaktan ako,’” pagtatapat ni Claudine sa movie press. “Nadamay kasi ang pamilya. Nasaktan ang parents namin. I really tried to say na i-move pa sana uli ang airing date nito, pero baka kung ano na naman ang sabihin sa akin. Kabagu-bago ko pa lang dito sa GMA. Di ba dapat last month pa ito, pero hindi nga naum

    pisahan kaagad? Ngayon, kung imo-move na naman…”

    Tatlong taon daw ang cold war nila ni Gretchen pero ayan, mas lalong lumaki ang gap nila.

    “Ang parents namin, bihirang masaktan nang ganyan,” paliwanag pa ni Claudine. “Pero wala na akong magagawa. Basta I tried my best.”

    Panay naman ang papuri ng GMA exec na si Wilma Galvante kay Claudine.

    “Nung kinuha nga namin siya, may nagsabi, hala, baka sumakit ang ulo n’yo diyan. Pero wala naman kaming naranasan na ganun sa kanya. Kahit naman noon, nagkakausap na kami. We have dinner sa house nila. Inaanak ko ‘yan, eh. Sinasabi niya kung ano ang nasa sa loob niya. Kung meron siyang hindi gusto. Kung meron  nakasakit sa kanya. Kung sa palagay niya may nasaktan siya. Claudine is open with that. That’s why we don’t have a problem. Wala pa man, naayos na kaagad namin.’

    Wilma’s excitement, it seems, has rubbed off on the other artists of GMA. Almost all leading men in the network, from Dingdong Dantes, Dennis Trillo and Robin Padilla, have expressed desire to work with her. And of course,  there is the possibility of having ex-boyfriend, Mark Anthony Fernandez in future episodes.

    Ok lang ba na maging katrabaho si Mark Anthony Fernandez?

    “Oo naman po. We all have moved on. Wala pong problema ‘yon.”


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here