Richard Gutierrez papalit kay Paolo Bediones sa Survivor Philippines

    448
    0
    SHARE
    Nakapagdesisyon na ang GMA management na si Richard Gutierrez na ang ipapalit kay Paolo Bediones bilang host sa reality show na Survivor Philippines.

    Dahil nga lumipat na si Paolo sa TV5,  kailangang mapalitan siya ng kasimbigat niyang host. Kasi nga, sa kanyang time, Paolo made Survivor…  a household fare dahil sa galing niya.

    Actually, marming pinagpilian upang ipalit kay Paolo, but Richard is most fortunate to get the slot.

    And take note, ang pinagpilian ay sina Dingdong Dantes, Marc Nelson, Paolo Abrera at Richard Gutierrez.

    Kukunan pa raw ang bagong season ng SP sa hindi pa malamang foreign land. Ngayon pa lang ay marami na ang nagtatalo kung bagay o kung kakayanin daw ba ni Chard mag-host ng Survivor Phils.?

    May naririnig na kaming hindi umano bagay kay Chard mag-host ng isang reality show.

    Dahil dito, mauurong muna ang Captain Barbell ni Chard dahil kailangan tapusin muna niya ang SP bago simulan ang telefantasya sa GMA-7.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here