Regine, Ogie di pa aalis sa GMA 7

    430
    0
    SHARE
    Mananatiling Kapuso ang magdyowang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

    Ito ang latest tsika sa amin ng isang very reliable source matapos kumalat ang balitang “lilipat” ang dalawa sa ibang TV network na magbibigay umano sa kanilang ng tripleng talent fee.

    Hindi raw kasi maiwan ni Ogie ang Bubble Gang, SOP at ang second season ng Hole In the Wall nila ni Michael V.

    Bukod sa Show Me Da Manny, may  bagong sitcom na gagawin si Ogie sa sa Marso sa GMA na bida si Michael V, ang Pepito Manaloto. Malay natin baka magkaroon din si Ogie ng solo sitcom, noh?

    Tulad ngayon, dalawang buwan na-assign kay Ogie ang bida role sa Show Me Da Manny bilang si Manny Pacute.

    Impressive ang naging rating ng  Show Me Da Manny mula nang pumasok si Ogie sa sitcom kasama si Marian Rivera.

    Busy kasi sa training si Manny sa boxing fight niya with Joshua Clottley sa March 14 kaya hindi nakakapag-taping.

    Si Regine naman ay may sisimulang bagong soap sa GMA-7 na Diva, kung saan siya ang title role. May pelikula rin siyang gagawin sa GMA at Viva Films opposite Aga Muhlach.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here