Christian Bautista sa Indonesia maghahanap ng bagong girlfriend

    379
    0
    SHARE
    After Jericho Rosales na sumikat sa ibang bansa, ngayon ay si Christian Bautista naman ang kasunod.

    Nakatanggap ng offer si Christian mula sa Indonesia para gumawa ng isang Indonesian TV series at excited na nga ang singer about it.

    Although hindi pa naman niya tinatangap ang alok, malaki ang posibilidad na magkasaraduhan sila especially kung magiging maganda naman ang takbo ng usapan.

    Pero aniya, kahit tanggapin niya ang offer ay never niyang iiwan ang ASAP XV every Sunday. ’Yun nga raw ang hihilingin niya sa producer – ang payagan siyang lumipad every week para mag-report sa nasabing variety show.

    “Hindi naman po ako titira na talaga doon kasi, malapit naman siya sa Pilipinas, it’s 3 hour-flight. Parang Hong Kong lang.  Ayoko talagang iwan ang ASAP as much as possible. Very important sa akin ang ASAP, ang samahan, ang mag-perform do’n at saka ang ASAP, nakikita mo sa TFC, so ang talagang priority ko talaga is here in the Philippines,” sabi ni Christian sa presscon ng kanyang nasabing upcoming concert.

    Ayon pa sa singer, ikinagulat niya raw talaga na gusto siyang kunin sa isang TV series sa Indonesia at gawin siyang Indonesian actor. Matatandaang nagpunta si Christian sa nasabing bansa before para i-promote ang kanyang single na Tetaplah Dihatiku (Jose Mari Chan’s Please Be Careful With My Heart) kaya siguro napalapit siya sa mga tao roon.

    But first, kailangan daw muna niyang matuto ng lengguwahe ng mga ito which is Bahasa at may mga kaunti na nga raw siyang alam ngayon.

    Samantala, natanong kay Christian kung sino ang special someone niya na manonod sa kanyang  Romance Revisited concert, aniya ay lahat naman daw ay welcome manood kahit pa si Rachelle Ann Go na ex-girlfriend niya.

    Wala pa rin daw siyang girlfriend ngayon at hindi niya inaalis ang possibility na baka sa Indonesia na siya makahanap ng special someone dahil very attractive daw ang Indonesian girls.

    SHARE
    Previous articleMona Lisa
    Next articleGerald-Kim dismal flop

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here