Melay bibigyan ng mga lumang sapatos at damit ni Pokwang

    413
    0
    SHARE
    Super emosyonal pala itong si Pokwang kahit nakikita nating parang robot lang kung kumilos para magpatawa sa kanyang mga proyekto.

    Dalawang beses naiyak ang komedyana dahil napag-usapan ang kanyang pamilya. 

    “Hindi kasi, pagdating talaga sa pamilya, masyado akong emosyonal,” sabi ni Pokwang.

    As we all know, single parent si Pokwang at tinutulungan pa rin niya ang  pamilya tulad ng kanyang nanay, kapatid at mga pamangkin.

    Kaya naman hindi kataka-takang pinagpapala rin siya lalo na sa kanyang career dahil isa siyang mabait na ina, anak, kapatid at tita.

    Hindi rin kaila sa lahat na namatayan ng anak si Pokwang, wala pa siya sa showbiz noon at OFW pa lang.

    Hanggang ngayon, hinding-hindi pa niya nakakalimutan ang nangyari. In fact, hindi niya inaalis sa wallet ang picture ng anak.

    Ito rin ang dahilan kung bakit malapit sa komedyana ang mga bata and she makes it a point na makatulong sa mga kapus-palad.

    Kung si Pokwang ang masusunod, gusto pa raw niyang magkaanak.

    “Oo naman, sayang ang lahi ko, ’no? Kaya ko pang manganak, nasa bingo card pa ako, ’no!” say niya.

    Kaso, wala siyang boyfriend ngayon, pero may dalawang foreigner-suitors, take note! Isang taga-UK at isang taga-U.S.

    ’Yung sa U.S., may nag-introduce raw sa kanya na Filipino dahil TFC subscriber ito at araw-araw, napapanood siya sa Wowowee.

    “Kaya nga, pati ang suot ko sa araw-araw, alam niya,” say niya.

    “’Yung nasa U.S., 45 na, pharmacist, tapos ’yung taga-UK naman, 48 na at businessman,” dagdag pa niya.

    Sa tanong kung sino ang mas nagpapakilig sa kanya, say niya, wala pa at hindi pa niya nararamdaman ang tawag ng pag-ibig.

    Gusto raw niyang mag-settle down, pero hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa niyang kumayod. In five years’ time, baka raw sakali.

    Samantala, natanong si Pokwang sa reaksyon niya sa nagbabadyang makaribal niya bilang komedyana na si Melay ng Pinoy Big Brother House. Ngayon pa nga lang, marami nang naghihintay na projects sa nasabing housemate at ang tinatahak niyang landas ay comedy rin.

    Paano kung ipasok sa Wowowee si Melay?

    “Why not? Go, go, go! ’Di ba, para mas marami kaming nagpapasaya doon at saka mapapahinga rin ako,” she said.

    “Uy, in fairness, natutuwa naman ako kay Melay, ha, sabi ko nga nu’ng isang araw na nag-aayos ako ng gamit, ‘kasya yata itong mga sapatos na ’to kay Melay,’ ’di ba, ‘yung mga minsan ko lang nagamit at saka ’yung mga hindi ko na nagagamit. Saka ’yung mga nabili kong damit sa U.S. na once ko lang nagamit.”

    Ano ang napi-feel niya na ginagaya siya ni Melay?

    “Dapat maging proud ako, kasi kung nakikita ng tao ang Pokwang sa kanya, ibig sabihin, ako ang iniidolo niya.”

    Hindi siya nate-threaten? Baka mamaya, mas magustuhan ng tao si Melay.

    “Kaya nga nag-iipon ako ng pera, eh,” pabiro niyang sabi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here