Ayaw paawat ni Joy Cancio

    372
    0
    SHARE
    Magiging krusada na yata ni Joy Cancio ang pagtulong sa mga baguhan pero may potensyal na mga dancers. Matapos kasing bumango ang pangalan ng mga unang batch ng kanyang mga nadiskubreng Sex Bomb Girls, heto pa rin si Joy at walang tigil sa paghahanap ng mga baguhang mukha.

    Kung tutuusin, komportable na sa buhay si Joy, nasa kanya na ang kagandahan ng buhay na pinaghirapan naman niya. Joy shares her wealth with her mom, her son and other families. Simple lang ang pamumuhay pero ito na ‘yung ultimate na pangarap niya para sa kanyang pamilya.

    But still, Joy doesn’t stop ambitioning, hindi na para sa kanya kundi para sa mga baguhan out there na kagaya ng mga nauna na niyang sumikat na Sex Bomb Girls ay meron ding mga talent na ihahasa lang ay magiging kagaya rin nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia. So far, kasi, ang dalawang ito ang mga huwaran ng sino mang nangangarap na mapasali sa grupo ni Joy Cancio.

    “Sikat din ‘yung iba pa, hindi lang sina Rochelle at Jopay, andiyan din sina Yvette, Izzy at Sunshine. Silang lahat, magagaling na puwede pang umakyat sa kaitaasan basta lang paghusayan pa nila. ‘Wag lang silang titigil, aabot sila sa rurok ng tagumpay,”sabi pa sa amin ni Joy nang makahuntahan namin ng katotong Pete Ampoloquio.

    According to Joy, she will never stop discovering young, beautiful and talented girls para naman, in her own little way ay makatulong siyang mapaunlad ang buhay ng iba.

    “Diyan din naman ako nagsimula, nag-aaral pa ako, mahilig na akong sumayaw, mabuti na lang maraming tao ang naniwala sa aking kakayahan at sinuportahan ako. 

    “Ngayon heto naman ako, nakahandang tumulong sa lahat ng mga talent. Hindi ako titigil, hanggang sa dulo ng panahon. Alam ko kasing marami ang nandiyan lang na puwedeng tulungan,”sabi pa ni Joy Cancio.

    Ngayon ngg naman, ayan ang mga baguhang nakikita sa Eat Bulaga at sa maraming corporate at mga provincial shows. Takbuhan si Joy ng mga nangngailangan ng serbisyo ng mga magagaling na dancers. “Basta magtiyaga lang sila, magkaroon ng disiplina, walang duda na magkaroon sila ng magandang buhay, seryosong salita pa sa amin ng sikat na choreographer.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here