Mahusay mag-alaga ng talent ang Eat Bulaga

    662
    0
    SHARE
    Unti-unti , pero sigurado ang pagsikat ni Jude Matthew Servilla. Siya ‘yung Bulilit grandwinner sa Eat Bulaga na sadya namang napakaganda ng boses. Halos araw-araw kung palabasin sa Eat Bulaga ang magaling na bata na, kumbaga, dahil sa matinding exposure niya sa noontime show na ito

    Anyway, si Jude Matthew ay nakatakda ngang maging sikat gaya ng nangyayari noon kay Aiza Seguerra na nagsimula sa Eat noong bata pa siya. Ngayong mga panahong ito, walang magsasabing hindi malaking bituin si Aiza.

    Nang mga panahong ‘yun, sinuportahan nang husto ng Eat.. si Aiza.  Puwedeng sabihing hindi naman sapat yung magaling si Aiza, ang nagging malaking tulong ay ‘yung suporta sa kanya ng noontime show. Aiza alone could not make it kung walang suporta sa kanya ang Eat Bulaga noon.

    Take note, during those times, apat na scriptwriters ang nakasubaybay kay Aiza upang magawan siya ng mga gags at spiels na talaga naming nagbigay sa kanya ng tatak. Bukod pa nga roon ‘yung malaking exposure kung kaya nakilala siya sa buong bansa.

    ‘Di ba,. Eat Bulaga is number one and just to be a part of the show will surely be a stairway to stardom.

    Maraming pangalan ang ginawa ng Eat Bulaga, and to name a few ay andiyan ang maraming talento na hanggang ngayon ay itinuturing pa ring malaking bituin sa larangan ng entertainment. Andiyan si Allan K who was just an obscure sing-a-long master pero nagging alamat ngayon sa larangan ng comedy. Isali sa listahan sina Wally at Jose na nakahulagpos sa kahirapan dahil nga sa laki ng kita nila sa mga shows nila left and right.

    Hindi na kami magbabanggit pa ng mga pangalang iba, sapat na ‘yung marami pang mga talent ang nagging produkto ng Eat Bulaga and eventually made big names for themselves.

    Eto na ngayon si Jude Matthew who is destined to make it big. Basta magkaroon lang ng disiplina si Jude ang mga taong sumusubaybay sa kanya, nakatitiyak na siyang maging sikat sa larangan ng pagkanta.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here