Lovi Poe pakakasal na kay Ronald Singson?

    394
    0
    SHARE
    Mismons si Ogie Alcasid ang pabirong nagtanong kay Lovi Poe kung ikakasal na ito kay Ronald Singson, ang kongresistang anak ni Chavit Singson na kasalukuyang sinasabing special sa puso ni Lovi ngayon.

    Nang magsimula si Lovi sa kanyang singing career ay inalalayan siya ni Ogie. Nang  mag-guest si Ogie sa programang Show Me Da Manny, panay ang biro niya kay Lovi na noon ay neneng- nene pa ito, pero ngayon ay dalagang-dalaga na at puwede nang pakasalan.

    Kasi  ba naman controversial si Lovi ngayon. Pagkatapos makipaghiwalay kay Jolo Revilla,  may Congressman Ronald Singson  siya ngayon na mature enough para mag-alok kay Lovi ng kasal.  Kaya tuloy si Ogie ay pabirong sinabihan si Lovi na pakakasal ka na ba?

    “Di  pa po ako magpapakasal.  Wala pa po sa isip ko ‘yan,” namumula ang pisngi sa hiyang sagot ni Lovi kay Ogie.

    Anyway, until now ay wala pang inaamin si Lovi tungkol sa kanila ni Cong. Ronald. Basta  panay lang ang puri niya sa binatang anak ni Chavit Singson. Mabait at maalalahanin daw ito.

    Pero, ganyan naman si Lovi, ‘di ba? Wala siyang inamin nu’ng panahon na sila pa ni Jolo, pero nang naghiwalay na sila, nasabi niyang mahigit  dalawang taon din silang naging mag-on

    Incidentally, parang nakatulong sa acting ngayon ni   Lovi ang pakikipaghiwalay kay Jolo. Kasi, naging effective ang pag-arte niya sa pelikulang Sagrada Familia kung saan isa siya sa mga bida.        

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here