John Lloyd lasenggo?

    388
    0
    SHARE
    Nabuking daw ni Raymond Gutierrez na lasenggo raw pala si John Lloyd Cruz. Minsan daw nakita niyang halos di na makagulapay si John Lloyd sa isang bar sa sobrang kalasingan.

    Alam naman siguro ninyo ang konek ni Raymond kay John Lloyd, di po ba? But for those who don’t know, Raymond’s sister Ruffa G is once linked to John Lloyd, or shall we say na hanggang ngayon magka-special someone pa rin sila.

    Natural ang sumbong kay Ruffa si Raymond at di na natin alam ang kasunod na istorya.

    Pero meron po kaming alam na istorya tungkol sa paglalasing ni John Lloyd.

    A few years ago, nagkuwento sa amin ang isang bold star na kaibigan namin. Dahil mahilig sa gimik ang bold star at mga barkda niya, madalas sila noon sa isang technobar. Minsan daw, nadatnan nilang di na rin makagulapay si John Lloyd na nakaupo sa isang mesa.  Nang magsayaw daw ang bod star, medyo lumapit siya sa mesa ni John Lloyd at tinukso-tukso niya ito. “Guwapo naman kasi at mukhang delicious kahit lasing,” sabi pa ng bold star.

    Isinayaw daw siya ni John Lloyd na paika-ika. Bigla raw siyang ni-lips-toilips nito na gusto naman ng bold star. Pero nang gumapang na raw ang mga kamay ni John Lloyd sa mga bahaging maseselan, umigkass daw ang bold star saka itinulak si John Lloyd na kamuntik nang bumagsak sa dance floor.

    True kaya o gawa-gawa lang yung kuwento o ilusyon lang ng bold star na durugista ng mga  panahong yun?
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here