Hindi matigil-tigil ang kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Lovi Poe. Sa panahong nasa promo stage ang isa niyang pelikula, panay ang usapin tungkol sa kanyang lovelife.
But what made the matter worse ay yung pagpapa-interview ni Ronald Singson tungkol sa kanila ni Lovi. It appeared though, magkarelasyon na sila ni Lovi at siguro para nga lumabas na’ng katotohanan sa kanila, ginamit ni Ronald ang movie press para nga kampihan siya.
Simula kasi nang naglabasan ang mga isyu tungkol sa dalawa, kung anik-anik na kontrobersya na ang nagsulputan.
Tuloy, lumabas na two-timer pa si Lovi na para bagang pinagsabay niya sina Ronald at Jolo.
Nung time daw kasi na boyfriend pa niya ang young actor na si Jolo Revilla ay may relasyon din siya diumano sa businessman na si Ronald Singson, anak ni dating Governor Chavit Singson. Pinagsabay diumano ni Lovi sina Jolo at Ronald.
Nang mabasa raw ni Lovi sa isang pahayagan ang mga paratang sa kanya ay iniyakan niya ito, pag-amin ni Lovi nang makausap naming siya.
Nasaktan ba siya sa nabasa niyang negative write-up sa kanya na naging dahilan ng kanyang pag-iyak?
“Actually, hindi ko po masyadong ina-update na yung sarili ko sa mga naglalabasang write-up sa akin,” sabi ni Lovi. “I try not to hear kasi… ayoko kasi. Kaya kong i-defend kasi yung sarili ko, but ‘pag ginawa ko yun… Siyempre may pangalan na parang mabibigyan ng masama, basta masisira yung name ng taong… I dont know… basta.”
Ano ba talaga ang real score sa kanila ni Ronald? Boyfriend niya na ba talaga ito?
“Siyempre ako, I have nothing to offer to anyone but friendship lang. Gusto kong i-prioritize yung pag-aaral ko at yung career ko. Yun muna ang inuuna ko ngayon,” saad niya.
Pero lumalabas ba sila ni Ronald na silang dalawa lang?
“Lumalabas kami, pero marami kami. Magkakabarkada kami kung lumalabas,” sagot ni Lovi.
Once and for all, nanliligaw ba sa kanya ngayon si Ronald?
“A, nanliligaw siya,” pag-amin ng dalaga.
Malaki ba ang pag-asa ni Ronald sa kanya?
“Friends muna. Kasi parang ang gulo-gulo ngayon. Ayoko munang lalong umano yung feelings ko,” sabi niya.
Totoo bang nang maghiwalay sila ni Jolo ay binawi ng huli ang iniregalo nito sa kanyang kotse?
“Ako kasi, ayokong i-elaborate, e. Sorry talaga. Kasi masyadong mahirap i-elaborate yung mga details,” pag-iwas ni Lovi.
Sa mga negative write-ups na nakukuha ni Lovi ay mas apektado ang kanyang ina na si Rowena Moran.
“Ang mga tao sa paligid ko, apektado rin. But of course, my mom is the most affected one. Pero yung mga tao sa paligid ko na alam yung totoo, galit na galit sila. Pero it’s my choice na lang na hindi ko na lang i-defend yung sarili ko. Sige, put the blame on me, okey lang,” sabi ng young actress-singer.
Ano ang advice na ibinigay sa kanya ng mommy niya sa mga pinagdadaanan niya ngayon?
“My mom wants me, of course, to defend myself, to tell the truth. Pero ako kasi, malaki ang respeto ko dun sa mga taong madadawit kung magsasalita pa ako.”
Hindi ba niya naiisip na parang nagiging unfair siya sa kanyang sarili dahil ayaw niyang ipagtanggol ang sarili dahil may mga tao siyang nais protektahan?
“Okey lang sa akin,” sambit niya.