Rhian Ramos mamahinga na

    442
    0
    SHARE
    Sa bibig mismo ng GMAAC star na si Rhian Ramos namutawi na after ng kanyang top-rating serye na Stairway to Heaven, pahinga muna siya sa paggawa ng  mga soap opera.

    Napagod daw siya nang husto sa halos magkasabay na pagte-taping ng kanyang soap sa GMA-7 at pagsu-shooting ng Ang Panday with Sen. Bong Revilla.

    Kaya “na-low bat” daw siya  at kailangan muna niyang  “mag-recharge.”

    Pero hindi naman daw siya tuluyang mawawala.

    Magi-guest pa rin daw siya sa mga show ng Kapuso Network.

    Pansamantala muna siyang magko-concentrate sa kanyang singing career dahil may ilalabas daw siyang album soon.

    “Nakakapagod palang gumawa pagsabayin ang movie at TV series. Marami akong gustong gawin na hindi ko nagawa, like there were offers to do indie films, pero hindi kakayanin ng sked ko.

    “I was also into martial arts.  Kinailangan ko ito for my role in Ang Panday.  Mayroon  akong trainer, pero personal pa rin akong tinuruan ni  Sen.Bong sa action scenes namin sa  movie.

    “Now that tapos na ang Stairway to Heaven at shooting namin for Ang Panday, I can now do other things like to promote my album.  I can also go to the gym regularly now.  Natigil kasi ako dahil hindi ko mai-singit sa dami ng trabaho,” pahayag ni Rhian.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here