Marian Rivera, Katrina Halili may matinding gap pa rin?

    478
    0
    SHARE
    Totoo kayang isnaban pa rin nang isnaban sa set ng Darna sina Katrina Halili at Marian Rivera? Mula raw nang magkairingan sila noon sa Marimar, plastikan lang sila’t ‘di na talaga bumalik ‘yung dating samahan nilang dalawa. That time, sinasabing insecure si Kat kay Marian dahil nasapawan nga siya sa kasikatan nito. Number one young star noon si Katrina kaya natural lang na makaramdam ito ng insecurity noong mga panahong ‘yun.

    Balik-kontrabida na naman si Katrina Halili kay Marian Rivera sa bagong season ng Darna. Siya si Serpina, anak nina Kobra at Babaeng Impakta at half-sister ni Valentina.  Gumanap bilang Black Darna si Katrina sa Darna ni Angel Locsin noon at naka-two-piece costume rin siya tulad ni Darna.

    Ngayon bilang si Serpina, at least balot daw ang katawan niya sa kanyang body-hugging na snake costume. Inamin din niya na mas close siya kay Angel kaysa kay Marian kung saan nagkaroon pa sila ng gap noong Marimar days nila.

    Hanggang ngayon daw ay nagte-textan pa sila ni Angel samantalang hindi raw sila nag-uusap ni Marian.

    Hangga’t maaari ay ayaw na rin niyang pag-usapan pa si Hayden Kho pero aminado siyang natutuwa siya na ni-revoke na ng PRC ang medical license ni Hayden for life.

    Hanggang ngayon ay hindi pa siya tumatanggap ng bagong suitors at aminado siyang na-trauma siya sa mga lalaki dahil sa video scandal nila ni Hayden.

    “Hindi na hinahanap ng katawan ko ang lalaki,” pahayag ni Kat.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here