Unti-unti nang lumalabas na may katotohanan ang relasyong PACMAN-Krista Ranillo

    509
    0
    SHARE
    Dalawang opisyal na pahayag ang magkasunod tungkol sa relasyong PACMAN-Krista. Ang una ay ang denial ni Manny Pacquiao at ‘yung sa mismong manager ni Krista na si Arnold Vegafria. Both are saying na unfounded at tsismis at intriga lang ang kumakalat na tsismis.

    Umaasa rin ang manager ni Krista na sa pamamagitan ng “denial” ni Manny ay matigil na raw ang isyu na nag-uugnay sa boksingero at sa aktres.

    Wala rin daw basehan ang mga balitang ito tungkol kina Krista at Manny na nagdulot ng matinding pighati sa Ranillo family.

    Narito ang kabuuan ng official statement ni Vegafria:

    “I’m glad that Manny took the initiative in issuing an apology to the Ranillo family, who has been suffering from anguish because of all the unfounded rumors linking him to Krista. I also hope that his denial will finally put the issue to rest. For what he just did, I commend Manny for being not just a legendary boxing hero but a true gentleman even outside the ring.”

    Bago man ang pahayag na ito ni Vegafria ay nauna nang nagsalita ang mga kamag-anak ni Krista upang ipagtanggol ang aktres. Sa magkakahiwalay na pagkakataon at paraan ay nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III, ang kanyang lola na si Gloria Sevilla, at ang kanyang tiyahin na si Suzette Ranillo. Lahat sila ay nagsabing hindi muna dapat hinuhusgahan ng mga tao si Krista dahil hindi naman daw nila alam ang katotohanan sa isyung ito. 

    Hindi maitatangging natabunan ng balita tungkol kina Manny at Krista ang pagwawagi ng Pambansang Kamao kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico noong November 14.  

    Bago pa man kasi sumabak sa ring si Manny ay mainit na ang usap-usapan sa kanila ni Krista, na sinasabing nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang Wapakman.

    Marami nang kuwento ang lumabas sa lahat ng klase ng media tungkol sa diumano’y relasyon nina Manny at Krista.

    Nariyan ang pagsasabay raw nila sa eroplano papunta at pabalik ng Hong Kong noong September 2009. Sa isang interview ay inamin ni Krista na nagkita sila ni Manny sa Hong Kong, pero magkaibigan lamang daw sila ni Pacman.

    Nabalita rin ang pagpunta ni Krista sa training ni Manny sa Baguio noong buwan ng Oktubre. At napatunayan ito sa mga naglalabasang mga litrato ngayon sa Internet blogsites kung saan makikita na magkasama nga sina Manny at Krista.

    Kasama sa mga litratong lumabas ang ilang kuha kung saan magkatabi sina Manny at Krista habang nasa isang mesa at kumakain. Makikita rin sa mga larawang ito ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III.

    Pinaniniwalaang parehong araw kinunan ang mga litratong ito nina Manny at Krista, pati na ang kuha kasama si Mat. Sinasabi ring kuha ang mga naturang larawan sa Camp John Hay at Baguio Cathedral.

     Magkasama rin sina Manny at Krista nang mamahagi ng relief goods ang Pambansang Kamao para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Patunay nito ang mga larawan na naka-post sa Facebook account ng isang singer-actress na kasama rin nila sa relief operation.

    Nabalita rin ang pag-aaway diumano nina Manny at Jinkee habang nasa Las Vegas sila. Ayon sa reports, nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito—ang Luxor Hotel kung saan naka-billet din daw ang Pambansang Kamao at ang entourage nito—sa bisperas ng laban ng boksingero.

    Lalong umigting ang hinala ng mga tao na may away nga sa pagitan nina Manny at Jinkee nang umiyak si Jinkee sa Thanksgiving Mass para sa panibagong tagumpay ni Manny. Sa kalagitnaan kasi ng homily o sermon ng pari tungkol sa pamilya at pag-ibig ay bigla na lang tumulo ang mga luha ni Jinkee. Kitang-kita sa kamera nang hawiin ni Jinkee ang mga kamay ni Manny nang subukan ng huli na kalmahin siya. 

    Sa exclusive interview ni Jiggy Manicad ng GMA News kay Jinkee, hindi man direktang sinagot ni Jinkee ang isyu kina Manny at Krista, isang makahulugang mensahe naman ang ipinarating niya sa sexy actress.

    “Bata pa siya. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. May future pa siya. So, isipin niya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family. Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?

    “Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family… Dapat tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin,” kalmadong pahayag ni Jinkee.

    Pero hindi inilihim ni Jinkee na labis siyang nasasaktan sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanyang mister at sa sexy actress.

    “Nasasaktan ako na yung pinag-uusapan yung aming pamilya, di ba? Kasi dapat hindi pinag-uusapan ang aming private life, kasi may mga anak ako,” paliwanag niya.

    Pero hindi raw basta-basta susuko si Jinkee dahil handa siyang protektahan at ipaglaban ang kanyang pamilya.

    “Ipaglalaban ko hangga’t kaya ko,” sabi ng maybahay ni Manny. “Mahirap ‘yong magtayo ng isang pamilya na binuo namin, tapos basta-basta mawawala. Tapos sa isang intriga lang or sa isang pagsubok lang, bibitaw ka. Nung mula umpisa hanggang sa ngayon na ten years kami, mahirap na balewalain ang lahat.”

    Sa huli, nagbigay ng mensahe si Jinkee para sa kanyang asawa.

    “Manny, nandito lang ako palagi sa likod mo, no matter what,” sambit niya.

    Samantala, isang email ang ipinakakalat ngayon sa internet at isa kami sa napaldahan ng kopya nito.  Du

    da namin, galing ito sa kampo ni Krista at ito ang nakasaad:

    “Ako man si Krista, gagawin ko ang lahat para mapagaling ang kapatid ko at para mamuhay nang normal na tao. Eh, ano naman kung pumatol nga siya kay Manny if ever na totoo nga? Siyempre, doon na ako papatol sa may pera na alam kong makatutulong nang malaki para sa ikagagaling ng kapatid ko.

    “Buhay din kasi ang pinag-uusapan diyan. Nagka-taon pang bunsong kapatid ni Krista ‘yon. Halos lahat na ginawa niya, nagpa-sexy, naging daring sa indie films para may maitulong sa kanyang kapatid. Kaysa naman pumatol siya sa binata nga pero wala namang maitutulong sa kanya kundi anakan lang siya nang anakan.

    “There`s time and reason for everything, There`s time to kill just to survive. Famous people are not necessarily good people. And money was made to be shared, Nobody`s perfect.

    “So, we should not condemn Krista without trial. Sabi nga, ang sinumang walang bahid ng kasalanan ay dumampot ng bato at siya  ay batuhin, Pero Krista should also take responsibility for her actions. ‘Yon lang.”

    Need we say more?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here