Laging nakabantay sa set??? Oyo Boy nagseselos kay Jericho Rosales?

    351
    0
    SHARE
    Masaya si Jericho Rosales sa magagandang nangyayari sa kanyang career. Bukod sa katakut-takot na endorsement, maganda rin ang feedback sa teleserye nila ni Kristine Hermosa na Dahil May Isang Ikaw.

    Tinutukso nga si Echo ng press dahil kapapalabas lang ng honeymoon scene nila at katakut-takot na kissing scene ang ginawa nila.

    Ang kantyaw ng press, parang totoo ang mga halikan nila kaya tinatanong siya kung may naramdaman ba siyang kakaiba habang kinukunan ang mga naturang eksena.

    “Nasa istorya kasi talaga na magkaroon kami ng kissing scene. Ikinasal na kasi kami ru’n sa story,” sabi ni Echo.

    Sa tanong kung may naramdaman siya, say niya, mas hindi yata effective kung wala siyang naramdaman dahil dapat, sobrang in love sila ni Tin sa isa’t isa.

    So, meron nga?

    “Bakit ba ako lang ang tinatanong n’yo, tanungin n’yo rin si Tin,” say ni Echo.

    Sa totoong buhay, umiiwas daw siya na magkaroon ng something since alam niya na may rumored boyfriend si Kristine, si Oyo Sotto.

    Ano ang masasabi niya na galit daw ang fans niya kay Oyo?

    “Huwag naman, ang bait-bait ni Oyo, eh. ’Wag.”

    Close ba sila?

    “Hindi naman.”

    Hindi ba nagbabantay si Oyo sa set?

    “Hindi, never nagbantay.”

    Natanong din si Echo tungkol sa kontrobersyal na sampalan nina Lorna Tolentino at Chin-Chin Gutierrez at say niya, nabalitaan din niya ang nangyari.

    “Alam ko ’yung nangyari. Pero sa set, nakakatuwa nga eh, dahil hindi ko napanood kung ano ang nangyayari sa labas ng set namin kasi busy kami talaga mag-taping. Pero okay naman kami sa set, wala kaming problema, walang girian, walang angasan,” say ni Echo.

    Samantala, isa pang magandang pangyayari sa career ni Echo ay ang pagkaka-nominate ng Kahit Isang Saglit bilang Best Telenovela sa International Emmy Awards sa New York. Say niya, nanghihinayang siya at hindi siya makakadalo sa awarding ceremony.

    “May taping ako, eh. Sayang nga. Ang prayer ko na lang, sana, manalo kami. Pumasok na kami sa finals.”


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here