Muli na naman kaming tinawagan ni Kiro Baldemor upang hingan ng tulong sa kanyang career. Minsan na kasi naming tinulungan ang male starlet na ito pero nang makakita ng ibang manager, agad itong tumalilis ng kuwadra. Hindi po kami nanghihinyang dahil sa umpisa pa lang, talaga namang desidido lang kaming matulungan siya. Hindi naman talaga kami manager ng mga talent. PR ang aming itinutulong sa mga baguhang lumalapit sa amin and nothing else. Paminsan-minsan, may mga taong nagtatanong sa amin ng mga talent and that’s when kami nagrerekomenda. Kaya nga nang mapasakamay ng isang talent manager si Kiro, we felt happy for him.
Pero rough sailing ang kanilang relasyon. Laging may reklamo sa amin ang manager ni Kiro dahil nga kami ang nagpakilala sa kanya. Wala naman kaming magagawa, sabi naming sa aming sarili, problema na nilang dalawa ‘yun. Pero minsan talaga, ‘di kami makaiwas na mapasali sa isyu sa kanilang dalawa. Until we decided na ‘wag na lang talagang pakialaman ang relasyon ng dalawa.
The other week, tumawag sa amin si Kiro begging us to help him. Again, sabi namin, hanggang PR lang kami. To which he said, magpapasalamat daw siya kung tutulungan naming siya sa kanyang mga write ups.
He immediately sent us some photos at sana magamit ito sa write up na ito, please, please, my dear editor!
Kuwento ni Kiro, may ginagawa itong movie ngayon. Ito ‘yung Halik Sa Tubig na kasama niya sina Paolo Paraiso at Marco Morales. Tiyak na may pagka-bold ang movie pero ayon naman kay Kiro, makabuluhan daw ang istorya na tungkol sa mga mangingisda.
By the way, kahit paano pala, may sarili na ring business si Kiro, ito ‘yung laundry shop calle PAPALAVA. Hindi niya binanggit kung saang lugar ito.