Sharon Cuneta walang breast cancer

    449
    0
    SHARE
    Noon pa ‘yung mga balitang tinubuan ng tatlong bukol sa suso si Sharon Cuneta. Nagbunga ‘yun ng pangamba mismo kay Sharon at sa kanyang pamilya. Nabulabog din ang mga loyal fans niya at pati ang lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya.

    Pero tila wala naman palang dapat ipangamba. Mismong si Sharona ang nagpahayag sa first shooting day ng Mano Po 6: My Mother, muli ay idineklara ng Megastar na walang dapat ipangamba ang Sharonians na nag-alala sa napabalitang may breast cancer siya.

    Bale ba, may history sila ng cancer dahil ang mommy niyang si Elaine Cuneta ay nagpa-mastectomy (removal of one or both breasts) dahil nagkaroon ito ng breast cancer.

    Nagpa-check-up si Mega matapos makapa ang bukol sa kanyang breast at narito ang detalyado niyang kuwento tungkol dito.

    “There was one night kasi, I took a bath, it was like two in the morning after work. 
     

    “Habang nagsa-shower ako, na-feel ko rito (sabay turo sa ilalim ng left breast niya), tatlo (lumps). So, ginising ko si Kiko, sabi ko, ‘you have to feel this, do you feel this?”

    “We were on the bed, nakaupo, tapos, iyak ako nang iyak na. Tapos, para lang makaiwas sa tsismis, we went to some Asian country and had all the tests done there, we went to a hospital.

    “I took only Kiko, not even my mom or my brother knew. And I didn’t wanna tell KC, pag-uwi na namin when everything was okay.

    “It was benign but ’yung Kiko’s and my wait for the result, that was probably the longest few hours of my life. Saka ’yung babalik ka (sa hospital), wala pa (ang resulta). Diyos ko naman, para malaman ko na kung ano ba, sabi ko, kung cancer talaga, patatanggal ko pareho ang breasts ko, wala akong paki,” say niya.

    “Nothing to worry, not at all. Kung alam kong may sakit ako, hindi ako mag-aaksaya ng panahong magsu-shooting,” say niya sabay halakhak.

    “Diyos ko, magta-travel ako to death, mula Vatican hanggang Atlantica, lahat ng grotto, pupuntahan ko,” tumatawa pa niyang sabi.

    “Nagdasal lang ako nang nagdasal kay Jesus, okay na ako,” dugtong pa ni Mega.

    “Pero siyempre, to hear na I have lumps in my breast, ganyan, marami akong Sharonians na nag-worry talaga, saka relatives, siyempre, and friends.

    “That’s why, ’wag kayong mag-aalala, I’m okay, wala akong sakit, they found lumps but they were walang saysay,” natatawa niyang sabi.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here