Nakarma??? Marian Rivera gusto nang kumalas kay Dingdong Dantes?

    638
    0
    SHARE
    These past few days, naging bulung-bulungan ang ‘di umano’y masalimuot na love affair nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Itong mga nakaraang mga buwan naman kasi, ipinakita ng dalawa na talagang nagmamahalan sila. At hindi kaila na ‘naagaw’ lang ni Marian si Dingdong kay Karylle kung kaya nga ipinalalagay na mahal na mahal ni Marian ang lalaki dahil nga kahihiyan ang idinulot sa kanya ng pag-ibig niya.

    Pero heto nga, mukhang sa wala lang mapupunta ‘yung ‘pang-aagaw’ niya kay Dingdong sa dati nitong siyota dahil tila ang dahilan ng away nila’y babae naman na sinasabing umaagaw sa kanya kay Dingdong.

    Karma?

    Maraming report ang nagbabalitang true nga na nagkaroon ng inisan ngayon kina Marian ay Dingdong at ditto nga dawit si Rhian Ramos na siyang sinasabing third party sa relasyon ng dalawa.

    Hindi na kasi maitatago ni Marian Rivera ang sobrang selos sa pagiging sweet at close ngayon nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa taping ng Stairway to Heaven.

    Heto pa ang isang naka-dagdag sa ‘sakit’ na nara-ramdaman ngayon ni Marian, maging pala ang fans nila (Dingdong-Marian tandem) ay kinikilig sa sweetness nina Dingdong at Rhian sa Stairway to Heaven. At pati ang staff and crew ng  telenovelang  ito, pagkatapos kunan ang eksenang halikan nina Cholo at Jodi, ay kinilig din at nag-comment pang bagay na bagay ang dalawa.

    Kaya naman dahil ‘di na nakatiis, kinumpronta na ni Marian si Dingdong. At balita namin, pagkatapos  ng said comfrontation,   naging very cold na si Marian kay Dingdong. Meaning, hindi nakumbinsi si Marian sa paliwanag ni Dingdong na walang namamagitan sa kanila ni Rhian.

    O well, ganyan naman sa showbiz, laging ang batas ng karma ang nasusunod. Kung nang-agaw ka lang ng lalaki ng may lalaki, sooner, aagawin sa ‘yo ang inagaw mo.

    ‘Di ba, Zsa Zsa Padilla?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here